SEVENTH: His 'Girlfriend'
Ano raw? Ulit ko sa utak ko.
Parang hindi parin nag-sisink in 'yung sinabi niya e.
“Ano ulit 'yung sinabi mo?” Pag-uulit ko sa kanya. Gusto ko lang malinawan. Baka kasi mali 'yung pagkakarinig ko. Nakalimutan ko pa man din magtutuli kanina.
Ngumiti ito at mahinang napaubo, “Sabi ko, can you be my Girlfriend?”
Ah, girlfriend pala, akala ko naman ku–
“Ano? Girlfriend mo? Seryoso ka?” Gulat kong tanong sa kanya nang magsink in na lahat sa utak ko 'yung sinabi niya. Kaloka!
Nakangiti itong tumango habang nakatingin sa'kin. Grabe, hindi siya nagbibiro. 'Yun ang gusto niyang kabayaran sa tulong niya sa'kin? My gulay!
“S-sigurado ka ba dyan sa sinasabi mo? P-parang napakabilis naman,” paglilinaw ko.
“Oo nga. Paulit-ulit 'to. Hindi ka siguro naglinis ng tenga mo kanina?”
“Oo nga– este, hindi lang kasi ako makapaniwala na gusto mo 'kong maging girlfriend. Nililinaw ko lang.” Pagtatama ko.
Nakakaloka! Ito na ata ang pinaka-nakakalokang narinig ko sa tanang buhay ko, pwera pa 'yung sinabi ni Baste na gusto niya 'kong balikan.
“Lilinawin ko lang. Hindi kita gustong maging girlfriend. Kaya 'yun ang hiningi kong kabayaran sa'yo dahil kailangan ko ng tulong mo. 'Yun lang kasi ang paraan para makatakas ako sa letseng tradisyon na 'yan ng pamilya ko e.”
Bigla tuloy akong nanghinayang. Akala ko naman gusto niya talaga akong maging girlfriend. Hayst!
“So, ano? Gusto mo ba? Kasi kung ayaw mo, ibang kabayaran nalang ang hihingiin ko sa'yo.” Sabi nito na nakangisi at nakatingin sa kabuuan ko.
Bigla tuloy akong naconsious at napahawak sa dibdib ko. Grabe!
“Eh, hindi ko pa nga alam ang buong pangalan mo, tapos gusto mong pumayag ako dyan sa gusto mo.”
Napatawa naman ito, kaya lalong sumingkit ang mata niya. Aaaaah! Mas lalo siyang gumwapo.
“Oo nga naman,” sabi nito at nilahad ang kamay. “By the way, I'm Euan Jamal Consunji I. E-U-A-N ang spelling at hindi Y-U-A-N. Uno nalang ang itawag mo sa'kin.” Nakangiti nitong sinabi.
Medyo nahiya naman ako sa pagkakaspell niya sa pangalan niya. Naalala ko tuloy 'yung una naming pagkikita sa Café. Heehee.
Tinanggap ko naman 'yung kamay niyang nakalahad, “I'm Marigona Daza. Gona nalang, for short.”
“Yeah, I know na Gona ang nickname mo. Nakalagay 'yun sa nameplate mo n'ung ikaw ang nag-assist sa'kin.” Dagdag niya pa at ngumiti ng makahulugan.
Ano ba naman 'to! Pilit na pinapaalala pa 'yung kagagahan ko n'un sa café. At dahil din naman sa kanya kaya naging distracted ako n'ung araw na 'yon!
“Ano bang dahilan at bakit gusto mong magpanggap ako bilang girlfriend mo?” Tanong ko at inemphasized pa talaga ang word na Girlfriend para dama niya. Hahaha.
“Bago ko sagutin 'yan, kumain na muna tayo. I'm starving na e.” Sabi nito at hinila ako patayo.
Shocks! Hawak niya ang kamay ko. Oh, my God! Anong gagawin ko? Parang may spark na dumadaloy sa katawan ko galing sa kanya. Goooooooosh!!!
Gona, ang OA mo! Parang hinawakan lang 'yung kamay mo eh. Kung maka-arte ka dyan!
Letseng utak 'to, panira ng kiligness! Pwe!
BINABASA MO ANG
That Tattooed Chinito
RomanceLalaking Chinito na may tattoo at gwapo. Nakakainlove, 'diba?