KINABUKASAN ay maaga akong gumising nang sa ganon ay makapaghanda ako ng mas maaga. Una kong hinanda ang dadalhin kong gamit para sa pagpunta ko sa bahay nila ni Nelsy mamaya. Ipinagkasya ko na sa loob ang susuotin kong isang asul na flowy cocktail dress na paparisan ko ng isang beige flat sandals na may 1-2 inches.
Tiningnan ko ang oras at nakitang alas sinko emedya na ng umaga kaya napagdesisyonan ko nalang na maligo. At dahil kakanta ako mamaya, I exercise my voice and also practices how to calm down through breathing. Nagawa ko naman ng tama sa loob ng tatlumpong minuto habang naliligo.
It’s exactly 6 o’clock in the morning nang matapos ako.
Nagbihis lang ako ng isang mint green t-shirt paired by khaki trouser. Tsinelas nalang din ang sinuot ko upang hindi masyadong mabigat sa bag mamaya. Naglagay lang din ako ng baby powder sa mukha at kulay rosas na liptint. At syempre, kulang ang araw ko kapag walang perfume. So I get my Victoria’s secret perfume and sprayed it all over me.
I smiled in satisfaction as I scanned myself from head to toe.
Sukbit ang aking bag sa kaliwang balikat, I made my way down. Dumiretso ako sa sala at maingat na inilagay ang aking backpack. As I was about to sit, I heard an unfamiliar song being hummed by someone.
I smiled inwardly form in my lips when Nanay’s face flashes in my mind.
Wala akong nilikhang ingay habang papunta ako sa may kusina. The moment I’ve entered, I felt my heart throbs not because of pain but because of the scenery that I’ve witnessed.
Suot ang plain na pink duster at ang black apron, nakita ko si Nanay na sumasayaw habang naghahalo ng kung ano sa kawali. Minsan ay lalayo siya ng kaunti rito at itataas ang bitbit na sandok sabay giling ng kaniyang baywang.
Sumasabay sa pag-indayog ng kaniyang baywang ang mataas at bagsak niyang buhok. Patuloy lang siya sa pagha-hum habang nagluluto.
I remained in my ground as I let myself devour the scene.
Si Nanay Carmileta ay isang guro sa private school na Twinkle Toes Academy. Halos mag-iisang dekada na siyang nagtuturo sa TTA.
Noong una, nahirapan siyang mag-adjust, dahil hindi naman siya sanay sa private. Ewan ko nga ba kay Nanay kung bakit bigla-bigla siyang lumipat sa isang pribadong paaralan.
Looking back to the old days, I've always look up at her, amazed, lalong-lalo na ngayon. She never let me feel na nag-iisa ako. Ginampanan niya ang pagiging Nanay at kapatid alang-alang sa kapakanan ko.
Kumurba ang labi ko sa isang ngiti at pinukos ang tingin sa kaniya. Kung paano niya'ng hahawakan ang sandok at umaaktong nagtuturo. She's so amazing. Wala na akong hihilingin pang ibang ina kundi siya lang.
"Oh anak, kanina ka pa ba diyan?" Naputol ang pagnilay-nilay ko nang magsalita si Nanay. Nakaharap na siya sa akin ngayon, her arms at ang hawak niyang sandok ay nagka-cross sa dibdib niya. Natawa naman ako sa naging postura niya.
"Oo Nay, ang galing niyo po kasing sumayaw, sinulit ko na." Biro ko pa sa at lumapit na sa kaniya para magmano at humalik sa pisngi.
"Ikaw talaga, binola mo pa ako." Nahihiya niya pang sabi. "Sus, nahihiya pa, gustong-gusto naman." Birit ko ulit na sinuklian naman niya nang mahinang hampas sa may kanang balikat ko.
"Oo na, oo na. Panalo ka na. O s'ya, umupo ka naro'n at malapit na itong maluto." Utos niya pa at sinunod ko naman.
"Si Tatay pala, Nay, nasaan?" Maya-maya pa'y tanong ko.
"Maagang pumasok sa Resto, hindi na nakasabay at doon na raw mag-umagahan." Sagot niya habang nakatalikod. Tumatango-tango nalang ako kahit hindi naman kita ni Nanay.
BINABASA MO ANG
Love At Fifteen
RomanceAlecxien Amber Garcia is a spirited and principled teenager who firmly believes in the virtue of patience when it comes to love. However, when she finds herself undeniably drawn to Isaac Rey Gonzales, her cousin's boyfriend, Amber is stuck into a wh...