CHAPTER ONE

18 3 0
                                    

ANG SABI ng karamihan, high school life is fun, memorable and enjoyable. Sa mga panahon'g ito mas mabubuo ang malakas na samahan at ang simula ng matatag na pagkakaibigan.

A smile immediately crawled in my lips habang pinagmamasdan ang mga kaklase ko. Two more quarters at susuong na naman kami sa mas challenging na kabanata sa pag-aaral, ang Senior High.

Hindi lingid sa aking kaalaman na karamihan sa mga kaklase ko ang hindi na magpatuloy sa pag-aaral. Ang iba naman ay magta-transfer sa ibang school.

Napawi ang kaninang ngiti sa mga labi ko. Dumiritso ang tingin ko sa green board at bumuntong-hininga. Faded chattering sounds of my classmates' voices almost became a whisper in my ears.

As of now, wala pa akong idea kung ano ang kukunin kong strand. Aside from singing, gusto ko rin'g matuto kung paano magluto. A part of me also wants to follow Nanay Carmelita's path, ang magiging teacher.

I heave another sigh. Nakakalito mamili.

"Ambs, tuloy ba ang performance natin sa Mapeh, mamaya?" Naputol ang pag-iisip ko nang naramdaman ko'ng tumabi bigla sa akin ang kaklase kong si Zayn Ismael Valenciano na mas kilala sa palayaw na 'Nelsy'.

Mayroon kasi kaming final performance bago matapos ang second quarter. It's more like a showcase of talents artistically. Our Mapeh teacher, Miss Gomez, gave us a freedom to choose. Pwedi kaming kumanta, role play, spoken poetry, o sumayaw.

Bawat section ay required na may kumanta, sumayaw at iba pa. Kaya ang napili ko ay ang kumanta. Sina Nelsy naman at ang grupo niya ay sasayaw ng interpretative dance.

I turned to face Nelsy.

"Oo naman. Wala namang ina-announce na hindi matutuloy, diba? So, malamang, matutuloy talaga." Sagot ko sa kaniya. I saw his face saddened.

"Bakit? May problema ba sa group mates mo?" Agaran kong tanong nang tumamlay ang mukha niya.

Napakamot siya sa kaniyang batok at sandaling tumingin sa likuran. "Si Laira kasi..." He trailed off. Napatingin ako sa gawi ni Laira. Nakasubsob ang mukha nito sa desk at mukhang himbing na himbing sa pagkakatulog.

Bago pa man niya madugtungan ang kaniyang sinabi ay pumasok na si Eraya, ang class president namin.

"Good morning, mga magaganda't gwapo ko'ng mga kaklase!" Masigla ang kaniyang boses na bumati sa amin.

Napaayos naman ako ng upo at matamang nakikinig sa kaniya.

"Pres, kung may sasabihin ka, please lang, huwag ka ng magpa-thrilling pa." Erik says, na pinagdikit pa ang dalawang kamay. Natawa naman kaming lahat sa naging turan niya.

"Okay, okay." Eraya exclaimed raising her two hands as if surrendering. "What do you want to hear first? The good news or bad news?" Hirit pa niya.

"Ang good news, syempre."

"Alphabetical nalang, bad news muna."

"Pagsabayin mo nalang, Pres."

My classmates' suggested na tinawanan naman naming lahat sa huli.

"Shh...ang good news guys is, hindi matutuloy ngayon ang final requirement natin sa Mapeh mam—" Hindi pa man natapos ni Eraya ang kaniyang sasabihin ay tumayo na ang ilan sa mga kaklase ko at naghiyawan. Pati si Nelsy sa tabi ko ay narinig ko ring nag 'yes'.

"Guys, Teka lang! May bad news pa." Sabi niya at nagsitahimik naman ang lahat. "Mga professors ang magiging judges bukas, kaya gagalingan natin, okay? Let's give our best shot for this last performance sa second quarter natin." She encouragingly said, earning a nod from us.

Love At Fifteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon