CHAPTER FOUR

35 5 3
                                    

"SIGURADO KA ba anak na hindi ka sasama sa 'min mamaya?" Tanong ni Nanay sa akin. Sa totoo lang, hindi ko na alam kung pang-ilang tanong na niya ito sa akin kahit paulit-ulit lang naman ang sagot ko.

Sabado ngayon at sa kwarto lang ako tumambay hanggang magtanghali. I was scribbling on my phone while Nanay prepares our lunch. Inilagay ko na muna ang phone ko sa mesa at sumandal sa upuan at tiningnan siya.

"Nanay kong maganda, pang-ilang tanong mo na ba 'yan?" Tanong ko sa kaniya pabalik habang nakataas ang isang kilay. Napaupo siya bigla at tinapatan ang aking tingin. Hawak-hawak niya ang isang sandok na kulay dilaw at itinuro iyon sa 'kin.

"Let me guess..." She trailed off and look in the ceiling as if she's thinking deep. Pagkatapos ay nagkibit-balikat siya at tuminging muli sa 'kin. "Hindi ko na mabilang eh. Well, I'm just hoping here, young lady..." sabi niya habang mataman na nakatingin sa akin.

"That maybe I can change your mind, and how about you considering the idea? How's that sound?" Aniya pa. Lumambot ang ekspresyon ko. Baka nga kailangan kong i-konsider 'yon.

Kapag nagkataon ay magiging family bonding pa namin 'yon mamaya. Huminga ako ng malalim as I am deliberating inside. Pero ang puso ko naman ang masasaktan kapag pupunta ako.

Huminga ako nang malalim nang may naramdaman akong bikig sa aking lalamunan. "I'm sorry, Nay. Pero buo na po ang desisyon ko, hindi po ako sasama. Pasensya na po." Pinal kong sagot sa kaniya.

I heard her sigh and looked at me with a surrendering look. "Okay, sige. Hindi na kita pipilitin. Magpahinga ka rito o kung may gusto kang gawin o puntahan, gawin mo lang, okay?" She said dismissing the topic.

My heart warmed of what she said. Sobrang maintindihin talaga ni Nanay. I looked at her and smile as I nod my head. "Salamat sa pag-intindi, Nay." I emotionally said.

"I've got you." She replied.

Mayamaya ay dumating si Tatay. Nagbihis lang ito sandali at sabay na kaming kumain ng pananghalian. Pagkatapos ay umalis narin sila.

The moment they left, ay sobrang tahimik ng bahay. Nanuod lang ako ng movie habang wala sila. Nang matapos ay naglinis ako ng room at nilabhan ko narin ang aking school uniform.

Pagkatapos ay lumabas ako sandali at bumili ng makain.

It's already 5:30 in the afternoon nang magdesisyon akong mag-online. Pagkabukas ko pa lang ng messenger ay nagsulputan na ang mga messages galing sa GC namin at kay Nelsy.

Nelsy:
Ano'ng plano mo ngayong sem break?

Amber:
Wala. Tambay lang ako sa bahay.

•|Sapphire Babies|•

Pres:
Job well done, guys! Sobrang proud ako sa inyo!
❤️34

Erik:
Yay! At dahil diyan, tatanungin kung ano ang pangalan noong hottie kahapon, hshshs
😆33       🥹1

Jairah: Sino? 'Yong may jowa ba?
🤭30      😆2       

Samarah: @Erik awweee PAIINN!!
😆🤣34

Sino naman kaya 'tong tinutukoy nila?Napailing-iling na lamang ako sa mga naging turan nila.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love At Fifteen Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon