Chapter 2

17 2 0
                                    

Stilton's POV

What a good day to start school after a busy day yesterday. Grabe! Halos tatlong oras naming nalinis ang kwarto ng hari't reyna at ng prinsesa kahapon. Pagkatapos naming maglinis ay pumunta kami sa bahay ko. Knockout silang lahat sa sofa. Si Ian naman hindi pa rin makaget-over sa nangyari.

"Hoy! Gumising na kayo." Ginising ko una si Drin dahil madali siyang gisingin lalo na 'pag may klase.

"Mmm. Anong oras na?" Tanong ni Drin sa'kin.

"Umaga na. May pasok pa tayo."

"Tinatamad akong pumasok. Bukas nalang ako papasok." Tingnan mo 'to sinusumpong na naman ng katamaran.

"Psh. Bahala ka. Hindi naman ako ang papagalitan ng Duke." Bumangon siya at tiningnan ako...siyempre alam niyo naman ang itsura ng gwapong bagong gising.

"Haist. Oo na. Gisingin mo na sila." Utos niya sa'kin. Wow naman! Ang bait niya.

Siyempre kahit hindi niya 'yon sabihin, gagawin ko pa rin. Gaya nga ng utos niya, ginising ko na sila. Ang hirap gisingin ng mga 'to. Tulog-mantika.

"Hoy gumising na nga kayo. May pasok pa tayo."Niyugyog ko sina Xin at Ian pero tulog pa rin sila.

"Hoy! Gising na Ian 'yong mga chicks mo naghihintay na sa'yo" Pero wala pa rin. Tulog pa rin sila.

"Xin, lagot ka kay Sir 'pag hindi ka niya nakita ng maaga." Niyugyog ko na sila ng malakas pero wala pa rin. Owkamown! Gumising na kayo mga tulog-patay.

"Hoy! Hindi pa ba gising ang mga 'yan?" Bumaba galing sa taas si Drin. Nauna na siyang naligo sa'min.

"Ewan ko! Ayaw yatang gumising. Ikaw nalang kaya gumising ng mga 'to." Lumapit naman si Drin sa sofa at ako ay umakyat na para maligo. Pero bago ako pumasok ng kwarto ay tiningnan ko muna si Drin sa baba.

May pinalutang siyang tubig sa ibabaw nila Ian at Xin. Pagkatapos ng ilang segundo ay pinakawalan niya ito.

"Wooh! Ano ba naman?! Natutulog pa ako."Nagalit agad si Ian. Sa bagay, ganyan talaga reaksyon niya 'pag ginising. At least, nakaligo na sila. Hoo! Ang lamig siguro nun.

"Ang sarap diba?" Itong si Drin nang-aasar pa.

"Eeyy! Nakakainis ka naman Drin. Maganda na sana 'yong panaginip ko." Ano naman kaya ang panaginip nitong si Xin?

"Eeyy! Tumayo na kayo diyan. May PASOK pa po tayo." Diniinan talaga ni Drin.

'Yun! Walang nagawa sila Xin at Ian.

Ewan ko. Ganito kami kabaliw ng mga kaibigan ko. But this is the happiest part of it. Sana walang magbago.

***********************************************************************************************

Xin's POV

Tsk! Gusto ko pa talagang matulog. Inaantok pa ako. Gusto kong ituloy 'yong panaginip ko.

"Mr. Moridello."

"Sir?" Nakakainis naman o. Nasigawan tuloy ako.

"Ilang beses ko nang tinawag ang atensyon mo. Are you with me?"

"Y-yes, Sir." Haist. Kasalanan 'to ni Drin.

Wala na akong magagawa. I have to pay attention. Kunting oras na rin lang ang natitira. Pwede na kaming lumabas.

Nakatutok na 'yong atensyon ko kay Sir ng may biglang kumalubit sa tagiliran ko.

"Ano ba..." Hehehe. Nakikiliti ako.

Hindi ko muna tinignan kung sino 'yong kumalubit sa'kin. Baka makita ako ni Sir.

Maya-maya ay may kumiliti naman sa batok ko.

"Hehehehehe! Ano ba..."Nilalagay naman ako nito sa kahihiyan eh.

"Ano ba...tumigil ka nga."

"Mr. Moridello!" Ayan, sinsabi ko na nga ba.

"Yes Sir?"

"I don't think your listening to me."

"Sir, may-

"I don't want to hear any excuses. Come with me after class."

Hindi man lang pinakinggan 'yong paliwanag ko. Ireklamo ko kaya siya sa head ng academy.

Nilingon ko naman ang katabi ko pati na rin sa likod. Puro babae naman ang nasa likod ko. Tapos naka-focus din sa klase ang katabi kong lalaki at babae.

Tsk! Lagot talaga 'pag nalaman ko kung sino 'yong-

*kringgg*

Patay! tatakas nalang siguro ako.

I slowly went ait the classroom. I tried my best not to be seen but...

"Mr. Moridello." I was caught. Sige, sasama na ako, wala na 'kong choice.

"Yes, Sir. Nandiyan na." Hayy!

Nag;akad na kami ni Sir patungo sa kwarto niya. Siyempre, may dorm 'yong mga magtuturo sa Ralexis Academy.

Tahimik lang kami sa paglalakad.

"Xin." Tinawag ako ni Sir.

"Sir?"

"May ipapakita ako sa'yo."

Yong mata ko naging kasing laki ng planggana. Ano naman kaya ang ipapakita ni Sir sa'kin?

***********************************************************************************************

Someone's POV

"My Lord."

"Anong balita?"

"Nakapasok na po sila sa Proticle Barrier. Ibig pong sabihin nun ay humuhina na ang mahika na ginawa ng mga yumaong hari't reyna ng Land of Powers."

"Great news! Unting-unti nang nangyayari angmga plano ko."

Ilang taon ko na rin itong hinintay. Kunting panahon nalang. Only few things are need to be fix. I will not let anyone stop me in my plans.

Not even the princesses. I swear it to the Land of Darkness.

Four Seasons: Four Idiots (The Lost Prodigy Princesses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon