Chapter 7

3 0 4
                                    

Stilton's POV

"Aaaaaaahhhhh!!!"

Naramdaman ko ang pagtama ng likod ko sa lupa.

"Aray! My butt, ang sakit."

"Ugh! Feeling ko naalog yung utak ko. Hu!"

"Uh! Putcha ang likod ko!"

"Er! Tsk."

Dinilat ko ang mga mata ko at nakitako silang tatlo na nakaupo sa lupa.

Pinilit tumayo ni Ian habang hinihimas ang pwet niya. Sumunod naman sa kanya si Drin na hawak-hawak ang kanyang balikat. At si Xin...

*Pak*

"Aw! Ba't ka ba namamatok?! Masakit na nga itong ulo ko, binatukan mo pa!" Bulalas ni Xin. Tumayo na siya habang himas-himas ang ulo.

"Babatukan talaga kita! Ba't hindi mo sinabi na ganun pala ang mangyayari?! Grabe! Haist. Pakiramdam ko bumaliktad yung sikmura ko." Sabi ko sabay tayo habang hinihimas ang tiyan at hawak sa likod.

"Soreh, okay? That was first time, hindi ko rin naman alam na ganun ang mangyayari."

"Haist." Sabay reklamo naming tatlo.

"So, nasaan na tayo?" tanong ni Ian.

Tumingin kami sa paligid at pinaramdaman ang kahit ano mang aura.

Well, wala naman akong nakikitang iba sa paligid maliban kami at sa mga puno. Lumingon-lingon ako at narealize ko na parang nasa gitna kami ng daan. Matuwid na daan pero hindi perfect straight.

"Maglakad kaya tayo patungo sa unahan. Baka may makita tayo." Sabi ni Drin.

Nagsimula kaming maglakad habang sinusubukan naming i-locate kung saang lugar kami napadpad. Mukha namang nasa Land of Powers pa rin naman kami. 'Yun nga lang walang masyadong katao-tao sa lugar na 'to.

"Ano?" tanong ko. Nagtatanong ako kung nalaman na ba nila kung nasan kami.

"Ano...hindi ko pa alam." Sagot ni Ian. Yeah,si Ian may ability siyang parang communication sa mga bagay katulad ng hayop o puno. So...yeah, ganun nga.

"Eh...malabo kasi. Atyaka hindi pa ako sanay sa lugar na 'to. Pero, feeling ko, hindi ito as in nasakop ng Proticle Barrier." Paliwanag ni Ian.

"You mean, iba ang barrier dito?" Tanong ni Xin.

"Yeah, I think so."

Nagpatuloy pa rin kami sa paglalakad. Halos ilang oras na kaming naglalakad mukha namang wala kaming mapupuntahan o makita man lang.

Maya-maya lang ang may narinig kami mula sa likuran namin. Malayo-layo pa yung ingay pero parag may nakikita kaming parang isang... sasakyan?

"Peep-peep-peeeeeep!!!"

"Waaaaahhh!" Sigaw namin sabay takbo patungo sa unahan. Nasa likuran lang namin ang sasakyan.

"Putchaaaaaaaa!!!" Sigaw ko.

"Xin! Gumawa ka ng paraan!" Sigaw ni Drin habang pabilis ng pabilis ang pagtakbo.

"Bakit ako?!"

"Ikaw nalang!"sigaw ko.

"Palagi nalang ako! Ikaw nalang Ian!"

"Ha?! Hindi ko alam kung anung gagawin!"

Sinubukan kung lumingon saglit at nagulat ako nang malaman ko na malapit na sa buntot namin ang sasakyan.

"Ay putcha! Sige na Xin! Papatayin talaga kita! Gawin mo nalang!" sigaw ko.

"Sabi ko nga! Ako nala-What the hell?!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Four Seasons: Four Idiots (The Lost Prodigy Princesses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon