Chapter 5

3 0 0
                                    

Ian's POV

Gabi na pero nandito pa rin ako sa loob ng gubat malapit sa lawa. Hindi ko alam pero dito ako dinala ng mga kaibigan ko. Mga kaibigan ko, mga puno. I consider them also as my friends.

Mabuti pa sila, tuwing kinakailangan ko ng makaka-usap, magpalabas ng galit at para marelax nandiyan sila. Hindi mo na rin sila kailangan hanapin sapagkat nandiyan lang sila sa paligid na makikita mo.

At huli, hinding-hindi ka nila lolokohin at sasaktan.

Putcha! Ang drama mo Ian!

Dahil sa galit ko, tinapon ko 'yong pinakamalaking bato na nakita ko patungo sa tubig.

Hindi pa rin mawala-wala sa isip ko ang lahat ng lihim na tinago nila sa'kin. At ang masaklap pa, si Xin, siya mismo, hindi niya sinabi.

                                                                                          *Flashback*

Naghihintay kami ni Drin sa ibaba ng hagdan sa palasyo kay Stilton.Eh, may nakalimutan daw siya sa kwarto ni Prinsesa Jasmine.

Habang naghihintay kami, bigla kung nakita si Xin. Gusto ko sana siyang tawagin kaso mukha siyang nagmamadali. San kaya 'yon pupunta?

"Drin." Tinawag ko si Drin pero mukhang lutang 'tong isang 'to. Ano kaya iniisip niya? Mga chicks? Sos, kung kailangan niya nun, bigyan ko nalang siya ng isa. Alright...

Hindi ko namalayan na tinahak ko na rin pala ang dinaan ni Xin. Saan na kaya ang mokong na 'yon?

"So, you're saying that the princesses were alive?" Huh? Alive? Ang mga prinsesa?

Hindi ko alam pero sinilip ko 'yong silid na pinanggalingan ng boses.Teka lang, ito 'yong Hureriom diba? Patay hindi pala ako pwede dito.

Pero bago pa man ako makaalis, someone's voice stopped my tracks.

"Sino ang nagbigay ng impormasyong ito sa'yo?"

"Si Duke Lexior po."

Si Papa? Teka si Xin 'yong huling nagsalita. Ibinalik ko ulit ang atensyon ko sa loob ng Hureriom

"He's also alive?"

"Yes."

Buhay ang Papa ko? Paano nalaman ni Xin 'to?

"Where is he?"

"Hindi ko po alam ang tamang lokasyon pero nasa malayong sulok daw po sila ng Land of Powers."

Sulok? Ano 'to? Kahon? Ano ba't alam 'to ni Xin?Ba't ako hindi?

"Saang banda?"

"Hindi ko po alam."

"Are you going to tell Duke Lexior's son about this?"

"No."

Nung narinig ko ang salitang 'yon, para akong punong pinutol.

Intensyon niya talagang hindi sabihin sa'kin ang tungkol sa Papa ko. Papa ko 'yon! Matagal ko na siyang gustong makita.Ba't mo 'to nagawa sa'kin Xin? Kaibigan kita, sinungaling ka.

Kailan niya pa 'to nalaman? Matagal na ba? Putcha!

Dahil sa galit ko, hindi ko natiis at puwersahan kong nabukas ang pinto. Alam kong nagulat sila pati na rin si Xin, sa lakas ba naman ng kabog na 'yon.

"What are you doing here?" narinig kong sigaw ng isang councilor.

"Kailan mo pa 'to nalaman?" diretsahan kong tanong kay Xin.

Four Seasons: Four Idiots (The Lost Prodigy Princesses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon