Chapter 4

7 0 0
                                    

Drin's POV

We are all asked to train since tha Acapros were having a meeting. Something's really strange about this day. Maya-maya lang ay nakita naming si Xin na nag-aayos at nagliligpit ng gamit.

"Xin. Aalis ka na?" Nilapitan siya ni Ian at sumunod din kami.

"Aaahh.....oo. May kukunin lang ako sa bahay. Nakalimutan ko kasing dalhin kanina."

"Siga. Sasama na rin kami."

"Wag na. Kukunin ko lang naman 'yong pagkain na niluto ni Mama kaninang umaga. Babalik rin naman ako kaagad."

"Siguurado ka?" tanong ni Ian.

"Sige! Para makakain na kami. Nagugutom na kasi ako." Itong si Stilton, ang takaw.

Natawa naman si Xin sa sinabi ni Stilton pagkatapos nun ay umalis na siya. Mukha siyang nagmamadali. Itinuloy nalang naming ang naputol naming insayo. Sinubukan naming labanan ang isa't isa. Si Stilton at Ian muna ang naglaban. Habang ako ay ipinagtutuloy pa rin ang insayo. Kailangan naming ma-improve ang battle skills namin. Wala namang special dun. Sana'y naman kasi kami sa ganyang bagay. Pwede nga lang naming paglaruan kalaban naming pero minsan lang 'yon. Lalo na kung kalaban naming mukha namang gago. Nakakainis lang na dapat talagang magsanay. Haayy!!

"Oo nga pala!" Naputol ang laban nila ni Ian nang may biglang maalala si Stilton.

"Ano?" tanong ko.

"May nakalimutan ako sa palasyo noong nakaraang araw."

"Ano nga?"

"Basta importante. Punta nalang tayo sa palasyo."

Niligpit namin ang mga gamit tapos ay diretsong pumunta ng palasyo. Nung nasa gate kami ay sinabihan kami ng isa sa mga tagabantay na may nagaganap na pagpupulong sa loob ng palasyo kaya 'wag daw kaming maingay. Tinanung ulit ni Ian kung ano ba talaga ng nakalimutan ni Stilton pero hindi naman maayos ang sagot ni Stilton sa kanya. Hindi na rin kami sumama sa kanya sa kwarto ng prinsesa, doon niya huling naaalalang hawak-hawak niya ang bagay ng hinahanap niya. Maya-maya ay hindi ko namalayan na nawala si Ian. Iniisip ko pa rin kasi ang mga nangyayari ngayong araw. Para kasing kakaiba ang aura ng paligid. Nakalutang pa rin ang isip ko nang dumating si Stilton.

"Uy! Nasan na Si Ian?" tanong niya.

"Ewan ko."

"Lutang mo kasi, bro. Hanapin na natin si Ian."

"Psh."

"Ano nga ba ang naiwan mo sa kwarto ng prinsesa?" tanong ko habang lumingon-lingon sa paligid upang hanapin si Ian.

"Susi ng wardrobe ko sa dorm. Mabuti nalang at may extra akong uniform na nakasabit sa pinto ng kwarto ko."

Ahh..okay.

Makalipas ang sampung minuto ay hindi pa rin mahanap si Ian. Sa laki ba naman niton palasyo syempre hindi madaling maghanap no. Saan na ba kasing sulok pumunta ang stupidong 'yon?

Sa ilang beses naming naikot ang palasyo ay nakita namin siya malapit sa pintuan ng Hureriom. Anong ginagawa niya diyan? Ba't nakabukas ang pinto?

"Ian." Tinawag namin siya pero hindi siya lumingon. Linapitan namin siya at nagulat kami nang makita namin si Xin sa loob.

"Xin, ba't-anong nangyayari?" nagtatakang tanong ni Stilton.

"Kailan mo pa 'to nalaman?"

Mas nataka kami nang biglang nagsalita si Ian. Kailan? Anong kailan?

"Ian." Tawag ni Xin.

"BA"T TINAGO MO SA"KIN? BA"T HINDI MO SINABI? AKALA KO BA KAIBIGAN KITA! SINUNGALING! KAYO. KAYONG LAHAT! MGA SINUNGALING KAYO!"

Pagkatapos nun ay biglang umalis si Ian.

"Xin-

"Please take your freind out here, son. Sapat na ang nangyari sa araw na'to. Salamat Xin."

Pero bago pa man makatapos si Papa ay umalis na agad si Xin.

Mabilis niyang tinakbo daanan na tinahak ni Ian paalis. Sinundan namin siya ngunit sa isang iglap ay nawala siya kasama ang malakas na ihip ng hangin. Sinubukan namin ni Stilton na hanapin sila ni Xin at Ian sa paligid pero wala kaming nakita kahit anino nila.

Putcha! Ano ba kasi ang nangyari? Baka nag-away na 'yong dalawang 'yon, kailangan na namin silang mahanap.

"Uy Drin! Nawala na sila. San natin sila hahanapin?"

Ay! Gagong putcha naman 'to o! Nagtanong pa. Malamang hindi ko alam.

"Pabayaan muna natin 'yon." Sabi ni Stilton.

Tiningnan ko siya ng nakakunot ang noo. Idea niya? Hindi maganda. Tumalikod ako at naglakad patungo palabas ng gate sa palasyo. Tsk. Masama talaga ang nararamdaman ko sa mga nangyayari. Tsk! Kanina pa 'to eh. Bwisit!

Sasabihin pa niya 'yon, baka nga ano ng ginawa ng dalawang 'yon, baka mamaya impas na silang dalawa. Paano nalang kami? Hindi na magiging Four Idiots 'tong kwentong ito, baka maging two nalang. O baka naman, nagpakamatay na and isa. Sana si Xin, timang na 'yon, ano ba kasi ang hindi sinasabi nun? Pero, pareho pa rin. Kailangan silang hanapin.

"Hoy! Ano ka ba? Napaparanoid ka na, bro. Tumigil ka nga."

Hindi ko na pala namalayan na nakasunod na rin pala si Stilton sa'kin. Ugh! Tama siya, nakakaparanoid talaga and dalawang 'yon. Pero hindi ako nakinig, ipinagpatuloy ko pa rin ang paglalakad. Ngayon, mas binilisan ko pa ng kunti.

"Hoy! Drin! Tumigil ka na!"

Hindi pa rin ako tumigil, kaya naman hinawakan na niya ang kwelyo ng damit ko.

"T-t-teka.."Medyo hindi ako makahinga.

Iniharap niya ako sa kanya. Eh! Hindi siya gwapo.

"'Yan, tumigil ka nga muna. Makinig ka muna sa'kin, okay?" sabi ni Stilton pagkatapos ay binitiwan niya na ang kwelyo ko.

"Ano?" medyo tumaas ang boses ko. Nakakaasar naman kasi ang isang 'to.

"Ehem...pabayaan mo muna sila. Paranoid ka naman. Walang mangyayari sa dalawang 'yon. Baka nga galit si Ian kay Xin o mukha talaga siyang galit kay Xin. Pero hindi niya aawayin si Xin, magkaibigan silang dalawa. Tayong apat. Siguro nagpapakawala lang ng galit si Ian tapos hinahanap rin siguro siya ni Xin." Pagpapaliwanag ni Stilton.

"Siguradao ka? Nakalimutan mo ba 'yong nangyari nun ng kinuha ni Xin 'yong regalo ni Ian na galing kay Akira." Paalala ko sa kanya.

Hindi ko na matandaan 'yong regalo pero kung magalit si Ian para siyang aatake ng isang Darker. Mabuti nalang talaga at nandun kami.

"Eh, matagal na 'yon. Hindi na siguro 'yon uulitin ni Ian. Basta, babalik rin ang dalawang 'yon."

I sigh.

May point din siguro itong mokong na 'to, wala naman sigurong mangyayari. Tiwala lang. Ugh!



Four Seasons: Four Idiots (The Lost Prodigy Princesses)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon