Chapter 1

6 1 0
                                    

Lianna pov.

Nagising ako dahil sa malalakas na tawanan sa baba. Ako'y tumayo at pumunta sa banyo para magsipilyo at para maligo.

Pagkatapos nun ay bumaba na ako at nakita ko si Rose na may kausap. Lalaki ang kausap niya at di ko masyadong makita ang mukha niya dahil nakatalikod ito

Habang papalapit sakanila ay lumingon naman silang dalawa sakin

"Oh Lia! Gising kana pala" malamang, di pa ba halata Rose?

"Good morning and look who's here!" turo niya sa lalaki

Si Lian...

"Good morning cupcake!"

Tumitig muna ako sakanya ng ilang segundo tsaka tumango at nagpunta sa kusina

"Aiiishh ayan na naman siya oh, baka wala na naman sa mood dre" dinig ko pang sabi ni Rose sa sala

"Pabayaan mo na, sanay kana naman diyan hindi ba?" sabi naman ni Lian na tumawa pa sa huli

'Tss'

Pagkatapos kong magtimpla ng gatas ay umupo na ako sala kasama nila

"Uy alam mo ba? Bukas na ang pasok namin sa bagong school namin yieee" si Rose

"Wow naman, maganda ba yang papasukan niyo?" tanong ni Lian

"Malamang! Malaki yung school namin eh!"

"Oh edi, magpunta tayo sa mall at bilhin ang kailangan nyo"

Nakikinig lang ako at sumisipsip sa gatas ko nang biglang lingunin nila ako "hm?"

"Aiishh ito talaga walang kwentang makinig, sabi ni Lian magpunta daw tayo sa mall! Para bilhin ang kailangan natin!" sigaw niya at tumango lang ako

"Wala kabang sasabihin manang? Ano yan? Tango-tango ka nalang, ganon? Hayss" dagdag ng Rose

"Sasama kaba samin Lianna?" tanong ni Lian at umiling ako sign na ayaw kong sumama, tumayo na ako at pumunta sa kusina para ilagay sa kitchen sink ang basong tinimplahan ko ng gatas kanina

"Eiiii Lianna naman, sumama kana gusto kong kasama ka eh" sabi ni Rose na yumakap pa sakin

"Ay di mo'ko gustong makasama? Sakit ah" sabat ni Lian

Binitawan ako ni Rose at tumingin sakanya

"Syempre gusto, sadyang gusto ko lang na sumama si Lia para di ka mapagkamalang tatay ko, ang tangkad mo kasi tas mukha ka pang may anak na 17 years old" biro niya at tumawa naman ako ng palihim

"Tsk ang sama talaga ah, wala na nagbago na isip ko, hindi ko na kayo dadalhin sa mall ang sama mo Roselle!" biro naman pabalik ni Lian

"Hoy joke lang! Ano ba naman yan, di mabiro" si Rose

At sabay naman silang tumawa, bored na ako kaya aakyat na sana ako sa kwarto ko ng biglang tinawag ako ni Rose

"Hoy manang! San ka pupunta?"

"Sa kwarto." maikling sagot ko

"Tss matutulog kana naman noh? Aiishhh sumama kana kasi samin" nagmamakaawang sabi niya

"Kaya nga" sabat ni Lian na nagmamakaawa din, nagisip muna ako ng ilang minuto bago tumango

"Yess!" sigaw ni Rose at Lian na tumalon talon pa

'Pasalamat kayo, mahal ko kayo'

Tapos nun umakyat na ako at nagbihis ng susuotin, as usual ang suot ko ay Black Oversized t-shirt na may anime na nakatatak sa harap, black jogging pants at black cap

Unexpected FeelingsWhere stories live. Discover now