Chapter 6

1 0 0
                                    

KYLER POV.

As usual pag pumasok kami sa canteen ay bumubungad agad samin ang hiyawan ng mga babae

Sanay na ako sa mga ganyan kaya di ko na sila pinapansin

Sila Steve at Dave naman ay kinakawayan at nginingitian parin sila, as a sign of respect daw kasi tss

Habang papalapit kami sa table namin ay nakita ko si Tigre, si Roselle ang tinutukoy ko, di ko alam kung bakit ko rin naiisip yang nga pangalan nayan pag nakikita ko sila ni Lion

Dahil lang siguro mag bestfriend sila kaya pinangalanan ko sila ng ganon

Nakaupo na kami sa table namin ngayon at si Steven naman ay pumunta na roon sa unahan para makapag order

"Hmm, Kyler kanina nga pala" sabi sakin ni Dave habang ang atensyon ay nasa kanyang cellphone

"Anong kanina ba dre?" tanong ko naman sakanya at inilahad niya ang atensyon sakin

'Tss seryosong seryoso ang mukha ah?'

"Nag away ba kayo ni Faith?"

"Ha? Panong nag away eh di nga kami nagkita ngayon eh"

"Ganon ba? Tss" sabi niya naman habang tumingin sa kung saan at may iniisip ata habang ang kilay ay halos magdikit na

"Bakit dre? Ano bang nangyari sakanya? Okay lang ba siya?" sunod sunod kong tanong sakanya

"Well kanina kasi, nakita ko siyang parang galit? Tumitingin siya sa kanyang phone at tinititigan talaga ito nang sobrang galit as in galit talaga! Pero okay lang naman siya, ang tanong ko lang ay kung ano kaya ang dahilan kung bakit siya galit.." sagot niya naman at tumango lang ako

'Ano naman kaya ang ikinagagalit nun?'

❛ ━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━ ❜
Author: Si Faith ay ang insan ni Dave at girlfriend ni Kyler

Almost 1 year na silang nag d-date
❛ ━━━━━━・❪ ❁ ❫ ・━━━━━━ ❜

Nakarating na si Steve at sinabihan kami na dadating daw yung order after 20 minutes kaya nag-usap usap pa muna kami

Habang naguusap ay napansin ko ulit si Tigre na pabalik narin sa table nila, sinascan ko ang table nila at di ko nakita si Lion pero nay nakita akong babaeng natutulog ata

'Sino naman kaya yan?'

Ginising ni Tigre ang babae at dun ko nakita ang mukha niya

SI LION!

Habang idinidilat niya ang kanyang mga mata ay biglang nagtama ang paningin namin

Ilang segundo pa ay tumingin na siya kay Tigre at inilagay ulit ang ulo sa lamesa

'Tss, halatang halata na inaantok ka pa ah, at balak mo pa ulit matulog? Haha wow at dito pa talaga sa eskwelahan ha, grabe ano toh? Bahay mo?'

Nadisturbo ako dahil sa sigaw ni Steve

"Hoy! Tinititigan mo na naman si Lianna noh? May gusto ka dun noh? Abaaa, hoy Dave tignan mo si Kyler oh gusto ata magluko kay Faith" biro niya

"Tsk, tumahimik ka nga Steve di ko ugali ang mangloko noh tsaka okay na si Faith sakin, at wala na akong ibang magugustuhan kung di si Faith lang dre, si Faith lang" sabi ko naman at tumango naman siya habang nakangisi at dumating narin ang order namin kaya nagsimula na kaming kumain

"Hmm dre, by the way si Faith di mo hahatiran ng pagkain?" sabi ni Steve habang minumuya niya yung pagkain

"Nagchat siya sakin, di na daw kailangan kasi kakain daw siya kasama ng kaibigan niya eh" sagot ko naman tsaka patuloy sa pagkain ng biglang..

Unexpected FeelingsWhere stories live. Discover now