Chapter 8

1 0 0
                                    

LIANNA POV.

Sumusunod ako ngayon sa kapatid ko papuntang gym

Wala namang tao daw dun so doon nalang daw kami maguusap

Di ko alam pero I'm dissapointed in myself, I promise kasi kela mom and dad na di na ako makikipag-away pero I broke my promise

Shutek naman kasi yung Olivia nayun eh, wala naman akong ginawa sakanya pero binuhusan ba naman ako ng tubig?! Tas kung makapagsalita pa, kala mo anak ng prinsipal, kapal...

You don't know me Olivia Tamoros Reyes, so you should stop this now.

Papalapit na kami ng Gym nung mapansin ko si Stick-o kasama ang mga kaibigan niya, napatigil ako at tinignan pa siya ng ilang segundo

Nang tumingin na siya sakin ay iniwas ko na ang paningin ko sakanya at nagpatuloy na ulit sa paglakad

Nung makapasok na kami ay nagsalita na agad si Lian

"So Lianna, pang-ilang away mo natoh?"

Ha?! Yan talaga ang unang tanong ah?

"Ewan"

"Siguro madami na, kasi di mo na mabilang"

"Aiishh dinala mo ba ako dito para sabihin yan?"

"Bakit gusto mo pagalitan kita?"

"Kung yan ang gusto mo, sige!"

Nagbuntong hininga pa siya bago magsalita, at dun na nagsimula

"Alam mo ba kung gano kami nagalala ni Roy sayo nung may nagsabi samin na napaaway ka! Ha?! Akala namin kung napano tas ayun ka lang pala doon, nakaupo na parang walang nangyari tapos nung andun kapa sa RHU madami kanang nakakaaway tapos pag nakauwi ka na sa bahay sinasabihan kana ni Mommy na tigilan mo na ang pangangaway dahil masama daw yan! Tapos ikaw tong promise ng promise na di na uulit eh ikaw lang din naman pala ang sisira tapos ngayon na andito kana sa paaralan na pinapasukan ko, mangangaway ka na naman! Ano yan di ka nalang titigil, ganyan nalang ang gagawin-"

"Aiiissshh" pigil ko sakanya

Di ko akalaing ang dami mo palang masasabi pakshet, sakit ng tenga ko.. Dagdag mo pa yung ulo

"Hoy Lianna! Hindi porket nakababatang kapatid kita ay di na kita kayang sermonan!" dagdag niya

"Tss oo na! Para kang si Mommy eh" bulong ko sa last

"Lianna... I'm famous here-"

"Tumingin ka sa langit at hanapin mo pake ko" malumay na sagot ko at aastang tatalikuran siya ng nagsalita na naman siya

"Hayyss, Lianna I'm saying this because I don't want you to ruin my reputation"

"So your reputation is more important than your own sister now huh?"

"Joke lang nokaba! Tsaka ikaw kaya ang first priority ko, yieee kinilig ang kapatid ko"

Sige mangasar ka... Di naman bumabagay sayo, sana di kayo magtagal ni Zayn, Jok!

"Kelan lang-? Tsk! Aalis na'ko"

"Oo basta wag kana ulit makikipagaway dun sa babaeng yun ah"

"Kung mapipigilan ko ang galit ko." sabi ko at tuluyan na siyang tinalikuran

"Mhm.. Geh ingat ka, good luck in your studies!" sigaw niya pa at binigyan ko lang siya ng thumbs up

Nang makalabas na ako ay bumungad naman agad si Stick-o sa harapan ko

"Uhm.. I didn't mean to-" bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad at narinig ko naman siyang nag-mura

Unexpected FeelingsWhere stories live. Discover now