Chapter 2

2 1 0
                                    

Lianna pov.

"Sino ba yung lalaking yun Lia?" tanong sakin ni Rose

"Ewan."

"Hayss parang kaedad mo lang siya ah, baka magiging boyfrie-"

"Tumahimik kanga, umiiral na naman yang utak mo eh" pigil ko sa sasabihin niya

"Bakit? Wala namang masama pag naging boyfrie-"

"Sabing tumahimik kana eh"

Tss, inulit ulit mo pa ah... Di ko nga kilala yun jingles ka ba ha?

"Di na pala ako nagugutom, punta nalang tayo dun oh" sabi niya sabay turo dun sa play station

"Kala ko ba mamimili lang tayo ng kailangan natin bukas?"

"Eiii gusto kong magsaya bago pumasok bukas eh, sige naaa"

"Ikaw nalang" sabi ko at aalis na sana

"Uy kayong dalawa ang tagal nyo ah" si Lian

"Lian, sa play station nalang tayo sige na, gusto ko munang magsaya eh, sige na please"

'Tss ang hanep talaga ng babaeng toh"

"Hmm sig-" bago pa matapos ni Lian ang sasabihin niya ay hinila na siya ni Rose papunta sa play station

Ako naman na walang magawa ay sumunod nalang din

"Ano bang gusto mong laruin?" si Lian

"Hmm... Dun nalang tayo sa computer games! Parang masaya dun eh, madami kasing tao hahaha tara na" sagot niya at hinila na niya naman ang lalaking walang magawa kung di ang sumunod nalang

'Jingles kayo, kayo lang bang dalawa ang nandito ha? Kingina andito rin ako pakshet sana di nalang ako sumama, pilit pa kasi eh tas iiwan lang din naman pala ako'

"Tsk"

Inis akong sumunod na naman sakanila
Habang naglalakad may naramdaman akong kakaiba, na para bang may tumitingin sakin pero di ko nalang ito pinansin at nagpatuloy sa paglalakad

Papalapit na kami sa computer pero ramdam ko parin ang titig ng tao kaya nilingon ko na ito, yung lalaking nakabangga sakin kanina, tinignan ko siya ng nagtatakang tingin at tinignan niya naman ako nang may galit sa mata

Tss! Di rin naman siya tumitingin sa dinadaan niya pero siya pa tong galit sakin? Pasalamat nga siya't di ako galit sakanya eh

Nakarating na kami doon at nilingon ko na naman yung stick-o, yung lalaking si Kyler na nakatingin na sa dalawang lalaking naglalaro din

"Tss, kaibigan niya ata" bulong ko tsaka sumandal doon sa pader malapit kena Rose at Lian

Tinitignan ko siya, he has shiny silky brown hair, red lips, matangos na ilong and pinky cheeks tss nag b-blush ata tong abnoy na toh ah, maputi rin naman siya pero mas maputi ako kesa sakanya

I'm still looking at him nang biglang lingunin ako nito, kita sa mukha niya ang pagkagulat, pero napalitan agad ito nang pagka-inis

Ilang minuto pa kaming nagtitigan nang tawagin siya nung isang lalaki, ang isa naman ay tumingin muna sakanya at nilingon ako

"Hoy Kyle! Tara na tapos na kami maglaro" rinig kong sabi sa isa

"Tanga bro, may tinititigan eh" yung isa na namang lalaki

"Uh... Tara na nga" Kyler, sobrang inis na sabi niya tsaka padabog na umalis

'Tss abnoy ka!'

Sinundan ko pa ng tingin ang tatlong lalaki hanggang sa nawala na ito sa paningin ko, ibinalik ko na ang atensyon ko sa dalawang kasama ko at tinitignan lang silang naglaro

Roselle pov.

Instead na pumunta sa isang resto ay dun nalang ako sa play station dahil naakit nito ang paningin ko

"Ano bang gusto mong laruin?" tanong sakin ni Lian

Nakita ko yung lalaki kaninang nakausap ni Lia at dahil umandar na naman yung kagagohan ko ay

"Hmm... Dun nalang tayo sa computer games! Parang masaya dun eh, madami kasing tao hahaha tara na"

Sinulyapan ko pa si Lia at parang di naman ito nakita ang Kyler kaya blanko parin ang mukha habang sumusunod samin

Papalapit na kami at kitang-kita na talaga ang kabuoan ng lalaking Kyler na yun

Sinulyapan ko ulit si Lia at pak! Napansin niya nga ang lalaking iyon, shipss nagkatitigan pa sila, palihim akong ngumiti tsaka hinila si Lian malapit sa kung saan nakatayo ang lalaking Kyler

Umupo na kami at naglaro, minutes pass at malapit na kaming matapos maglaro tinignan ko na naman yung Kyler na nasa gilid lang namin

Tinignan ko kung saang direksyon ito nakatingin at...

'Bwahaha ganyan nga tignan mo lang ang mala anghel na babaeng yan mafafall ka talaga sa kagandahan niyan erp'

I chuckled at napansin ito ni Lian

"Shunga ba't ka tumatawa?" tanong niya habang busy ang kamay sa paglalaro at ang atensyon niya ay nasa computer screen

"Haha wala wala" bulong ko at tinuloy na ang paglalaro

After 1 hour ay tapos na kami maglaro, namili narin kami ng gamit at inihatid na kami ni Lian pauwi

NOON: 12:32 pm

Andito na kami ngayon ni Lianna sa living room habang nanonood ng tv, or ako lang, kasama ko siya dito sa sala pero di siya nanonood kung di nagbabasa lang ng libro

Hayss ang hilig mo talaga magbasa samantalang ako nagbabasa nga pero wala namang naiintindihan

Tsk, dahil sa pag-aaral mo nakalimutan mo nang magsaya, dahil diyan sa sakit mo di mo na kayang magsaya at dahil rin sa pagkamatay ng lola mo ay di mo na gustong sumaya

Sana ay okay ka pa Lianna Jane

"Tumigil kanga kakatitig, baka isipin kong nagagwapuhan kana sakin" biro niya tsaka nag smirk

"Tss hoy straight ako noh! Tsaka di ka naman gwapo" biro ko pabalik sakanya

Yes, she's handsome and pretty, may pagkagwapo siya, pag ginupitan mo ng panglalaking hairstyle magmumukhang lalaki talaga toh tas kung manamit at gumalaw daig pa ang lalaki

May kagandahan din siya dahil sa looks niya, sleepy pretty voice niya at isali mo narin ang long hair niya

'I wish I'm as pretty as you'

"Hoy shunga, ano na naman yang iniisip mo?" tanong niya na inilagay ang libro niya sa mesa at tumingin sakin ng nagtatakang tingin

"Hmmp! Wala, wag ka ngang mag overthink di nga kita gusto shungek" sagot ko tsaka ibinalik ang atensyon ko sa telebisyon

"Bakit may sinabi ba ako na gusto moko?" sabi na naman niya na may nanunuksong tingin

"Lianna..."

"May gusto kaba sakin?"

"Hoy shunga! Wala ah"

"Weh?"

"Oo nga, jingles toh"

"Talaga ba or you're just lie- aray!"

Bago pa niya tapusin ang sasabihin niya ay binato ko na sakanya ang unan na nasa gilid ko

"Tsk tumigil kana kasi"

"Oo na, binibiro lang eh" sabi niya tsaka kinuha ang libro

"Akyat muna ako" dagdag niya tsaka umakyat na

'Haha di ko alam na andiyan parin pala yang makulit mong side, shunga ka! Nag a-act ka pa na walang pakealam ah'

I smiled and continue to watch na

•❅──────✧❅✦❅✧──────❅•

End of Chapter 2

Unexpected FeelingsWhere stories live. Discover now