Kabanata 40

30 0 0
                                    

May mga taong babalik sa ating buhay sa hindi inaasahang pagkakataon. Maaaring ang mga taong iyon na bumalik ay ang naging dahilan kung bakit nawasak ang puso natin o kaya ang mga taong hindi natin lubusang makikita pa natin sa loob ng maraming taon na hindi natin nakita.

Sa oras na dumating ang pagkakataong bumalik ang taong iyon, huwag nating hayaan na ang humilom na sugat mula sa nakaraan ay muling magdugo sa parehong dahilan.

Ngayon ay nakita ko muli ang lalaking naging dahilan kung bakit nawasak ang puso ko at naging dahilan kung bakit ayoko nang umibig pang muli.

Ano ang papel namin sa buhay ng isa't isa kung matagal natapos na ang nakaraan namin? Ako naman ba ang sasaktan niya? I know he didn't know the truth about why I broke up with him until now, but does it still matter now? I know if I ever tell him why, he will not believe me.

Siya ang unang lalaking minahal ko, at ako rin ang unang babaeng minahal niya. Sa kabila ng pagmamahalan namin, nahadlangan iyon ng magulang ko na naging dahilan kung bakit kailangan kong gawin ang bagay na magiging dahilan kung bakit ang lahat ng alaala naming magkasama ay naging masakit na mga alaala.

Abala ako sa paglilinis ng kwarto ko rito sa mansyon dahil ilang taon na rin ang lumipas mula nang hindi ito nalilinis, hindi na rin daw nalinis gaano ang mga kwarto sa mansyon na ito dahil umalis na ang mga katulong simula nang umalis din ang pamilya ko. Si Nanay Lucinda, bumalik daw siya sa probinsya nila upang mamuhay kasama ang pamilya niya.

Ala-una pa lang ng hapon, nakapagpahinga na rin ako kahit sandaling oras lang habang kanina pa rin iniisip ang muling pagkikita namin sa hindi inaasahan panahon.

Hindi ko akalaing napabayaan na ang mansyon. Kay rami na rin palang nagbago sa mansyon makalipas nang ilang taon. I suddenly remembered the first time we came to the province and the first time I saw my room.

What a beautiful memory.

Sa paglilinis ng mga upuan na malapit sa bintana kung saan ako palaging naglalagi noon ay bigla kong nakita sa gilid ng ilalim ng upuan ang isang maliit na kahon. Inilapag ko ang hawak kong panglinis upang kuhanin sa ilalim ng upuan ang kahon na nakalagay doon.

Ilang sandali pa ay naupo ako sa sahig habang inaalis ang mga alikabok na nabalot sa kahong hawak ko. Sakto lang ang laki ng kahon na iyon at luma na rin ang itsura.

I think that this is mine, hindi ko nga lang matandaan kung ako ba talaga ang naglagay nito o hindi dahil hindi na ako nakapag-ayos ng kwarto ko noong umalis na ako rito.

Nang mabuksan ko ang kahon ay tumambad sa akin ang isang pouch na kasing laki lang ng kahon na pinaglalagyan nito na nakalagay sa ilalim ng isang bracelet, ipit sa buhok at ilang mga bagay na pamilyar sa akin. Mga bagay na iniregalo sa akin ng unang lalaking minahal ko.

Iniwan ko ang mga gamit na ito sa drawer ng mesa ko bago umalis. Ayokong dalhin ang mga gamit na ito noon dahil ito ay may mga alaala mula sa kaniya.

Bago lang sa paningin ko ang kulay puting crochet pouch na may strawberries na design. What's in it? It's not familiar.

Kukuhanin ko na sana ang pouch na iyon sa ilalim upang tingnan ang laman ngunit bigla kong narinig na may kumatok sa pintuan. Tumingin ako sa pintuan bago itabi muna ang kahon na hawak ko sa ilalim ng upuan kung saan ko iyon nakita.

I stood up right away to open the door and see who was knocking. It's Daphne, nakabihis siya ng pang-alis at mayroon pang siyang shades na nakataas.

"Where are you going? Nakapagpahinga ka na ba?" I asked.

"Oo naman! Sasamahan mo ba ako mamasyal? By the way, the surprise I was supposed to tell you about is that the house that Azaiah and I are planning is near here. Dapat surprise kaso na-realized nga namin ni Azaiah na baka hindi mo magustuhan dahil nga sa past na mayroon ka rito sa lugar na 'to." Kwento niya.

Threads That BindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon