Chapter 3: Suspicious

1 0 0
                                    

(Same day third persons POV)

Kita sa mga mata ng Ginoo ang pagkamangha sa paligid tila nahihiwagaan ito sa kanyang mga nakikita sa Market para itong batang unang beses palamang nakapunta sa isang lugar, kalaunan ay nagsimula naman na syang mag punta sa mga stall at store ng prutas, mga karne at gulay.

Hindi lingid sa kaalaman ng binita na mayroong nakasunod sa kanya ngunit ipinagsawalang bahala nya na lamang ito at saka nagpatuloy sa pamimili, samantala patuloy lamang sa pag sunod ang binibini sa binata hanggang malingat ito at hindi nya mahagilap ang lalaki sa kung saan.

kaya naman pilit nitong hinanap ang lalaki at kung sino-sino pa nga ang nababangga ng binibini, di nya namalayan na wala na sya sa wastong daan at napatid ito sa stall ng mga gulay, "aray!" mahinang daing nito, "Are you okay miss? are you hurt?" tinig ng isang lalaki ang nagpatunghay sa kanyang ulo at saka ilang segundo lamang na napatingin dito, saka ito iwinaksi. Samatala nakaramdam naman ng pagkailang ang binibini dahil sa mga titig ng Ginoo sa kanya hindi nya maitatanggi ang angking kagwapuhan nito at kakisigan isama pa ang napakabangong amoy ng ginoo.

Napailing sa isipin ang binibini "Ano ba tinitingin-tingin mo!?" galit na sigaw nito at saka muling nailang sa mga titig ng ginoo, "Kung makatitig ka naman sakin parang may masama kang gagawin!! bandit ka no!?" tanong nito, ang binibini ay kilala sa kanilang lugar dahil minsan na itong nakahuli ng mga bandido na nag mula sa Randsfield City, kaya naman tiwala ang mga mamamayan dito dahil malaking tulong ito upang maiwasan ang pag laki ng gulo kung sakaling mayron ngang bandido sa lungsod, malakas rin ang pakiramdam nito kung may gagawing masama ang isang tao, isa ito sa abilidad ng binibini. Ngunit hindi nya naman ito maramdam sa ginoong sinundan at kaharap nya ngayon,

"I was just buying some vegetables in this stall, Do I look like I'm a bandit? Bella dama." sagot ng lalaki sa kanyang katanungan kanina lamang, bahagya namang nakaramdam ng kakaiba ang binibini dahil sa turan ng lalaki at tinawag pa itong Bella dama na nagkakahulugang isang Magandang binibini agad naman syang tumalima.

"I--I don't k-know maybe? ah! I need to go! bye" kumaripas ng takbo ang binibini dahil sa hiya at dahil narin wala naman talaga syang maramdaman na masamang Aura sa ginoong kanyang nakausap.

"Takte nakakahiya! isa akong guro hindi dapat ako nagpapadalos-dalos, minsan talaga tanga ka Ria hyss!!" turan ng binibini sa kanyang sarili, saka ito madaling tumungo sa kanyang tahanan. Araw ng pahinga ng binibini ngayon at sa susunod pang buwan dahil hindi pa nagsisimula ang pasok sa paaralan.

"Nakauwi na po ako!" sigaw nito nang makapasok sa munti nitong tahanan, saka namang bungad ng kanyang inang na kanyang Lola, "ay sya, ika'y pumarine na at tayo'y kakain na Ria, nanggaling ka nanaman ba sa bayan?" tanong nito, wala ng mga magulang ang binibini na si Larria Asandra Castro, dahil sa ibinigay na misyon ng Hari sa kanyang mga magulang ay hindi na ito nakabalik at hinihinalang wala na ito sa mundo.

Ang kanyang mga magulang ay dating Warrior ng Kaharian isa sa pinakamalakas na namumuno sa batalyon ng Warrior sa kanilang lungsod, ang kanyang Ama ay Si Sandro Castro na Heneral at kanyang Ina na si Allara Castro ay isa namang Coronel. Ang kanyang mga Lolo at Lola ay dati ring Warrior sa kaharian ang kanyang Lolo Asing ay isang Kapitan at ang kanyang Lola Redeya ay isang Tiniente.

"Oho nanggaling po ako sa bayan, alam nyo ho ba may nakita akong isang makisig na lalaki at---" putol nito na kanya sanang ikukwento ang pangyayari kanina sa Bayan.

"Nako nanggaling ba talaga sa iyong bibig yan apo! Makisig ba ganyo? ikaw ba ay umiibig na apo ko!" saka naman nagtatalon sa tuwa ang matandang ginang sa pag aakalang may napupusuan ang kanilang apo, dahil simula pagkabata nito ay hindi naman ito mahilig sa pagkakaroon ng gusto sa lalaki sa halip parang lalaki pa ito kung makipag halubilo sa nakakarami.

Mabilis namang umiling ang binibini saka itinuloy ang pag kukwento, "Hindi po inang sya nga ho'y makisig ngunit may kakaiba akong naramdaman sa kanyang presensya na hindi ko mawari, sapagkat hindi rin naman sya isang bandido kaya naman lubha akong napapaisip dahil mayron syang kakaibang Aura na ngayon ko lamang naramdaman." Lintanya nito sa kanya lolo at lola.

Bahagya naman silang nadismaya sa kuwento ng kanilang apo "Ay sya huwag mo muna isipin yan apo, sa halip kumain na muna tayo mukhang nakakagutom kasi kung atin pang iisipin." nakangiting alanganin ng kanyang lolo sa kanya.

Saka naman tumango at nag sandok ng makakain ang binibini, natapos ang kanilang hapunan nang matiwasay ngunit tila lumilipad ang isip ng binibini dahil sa tagpong iyon.

nakaka-intriga naman ang ginoong iyon hindi ko parin mawari kung sya ba ay masama o mabuti, ngunit maginoo syang kausap kanina. Mukhang nais ng binibini na makilala pa ng mabuti ang ginoo dahil ito ay bumabagabag sa kanya at tila hindi matitigil ang kanyang pag iisip dito dahil sa kakyuryosidad nito sa kanyang pagkatao.

At nakatulog na nga lamang ang binibini dahil sa lalim ng kanyang iniisip na animo hanggang sa panaginip lulan nito ang lalaki. "Sino ka ba kasi huh!? tsk"

Akuma Raven: The Colossal PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon