Chapter 4: Wander

2 0 0
                                    

Larria (Ria's) POV        

Maganda ang gising ko ngayong araw dahil bakasyon pa rin ng mga students at school staff, kaya napag isipan kong mag gala muna para sulitin ang nalalabing araw ko sa bakasyon, paniguradong tambak at nakakapagod na gawain nanaman ang sasalubong sa akin sa nalalapit na pasukan bilang isang propesor.

Lumabas nako ng bahay at ini-lock ito, wala sina inang at itay, pumunta sila sa palace dahil kahit ilang taon na ang nakalipas ay patuloy parin ang pag iimbistiga sa pagkawala ng aking mga magulang, dahil konektado ito sa mga kinakaharap pang crisis ng bayan.

I decided to wander around the Central City pero pumunta muna ako sa malapit na lawa napaka ganda at sagana ang mga halaman dito literal itong paraiso sa loob lamang ng Golden Vill makikita ito kaunti lamang ang mga nakatira dito kaya naman napakaganda at linis parin ng lugar na ito, tumigil muna ako sa tapat ng lawa at pinagmasdan ang malinaw na tubig nakakatanggal stress talaga simoy ng hangin at amoy ng malinis tubig, kitang kita ko ang mga nag lalanguyang isda dito, napangiti na lamang ako saka tinahak ang daan papunta sa tunnel.

ang tunnel ay ang lagusan papunta sa centro at papasok sa Golden Vill hindi ito madilim o masukal, malawak ito at may mga bench sa gilid at Lamp post na nag bibigay liwanag sa loob ng tunnel sa mahaba nga lang ang lalakarin, sa magkabilang dulo nito ay may mga kawal upang bantayan ang lalabas at papasok sa lagusan, ang Golden Vill ay kilala dahil maraming iba't ibang uri ng halaman na tumutubo sa lugar na ito na maaaring gamitin sa medesina at mahika o potions, kaya naman mahigpit ang seguridad dito dahil gusto naming panatilihin ang ayos at linis sa lugar na ito, kaya naman mga professional sa medisina at potion making lamang ang nakakapasok liban pa sa aming mga nakatira sa Golden Vill.

But as I entered the tunnel wala akong nakitang kawal, marahil ay magpapalitan na dahil tanghali na rin, karaniwan ang pagpapalit ng kawal ng pwesto tuwing umaga, tangahali, gabi at madaling araw. Hindi ko na ito pinansin pa at nagpatuloy sa pag lalakad dahil mahaba-haba nag lalakarin ko at napagisipan ko na ring sa centro kumain ng tanghalian. Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay mga mga makakasalubong akong grupo ng lalaki mukhang apat sila at base sa aura nila hindi ako nagkakamali na mga bandido ito!

tumalas ang paningin ko sa mga taong to medyo malayo pa ang agwat namin ngunit nararamdaman ko na ang presensya nila na hindi mapagkakailang galing sa mga bandido, ang mga bandits ay walang main race sa madaling salita hindi sila nabibilang sa kahit anong City sa buong kingdom, may mga masasamang mamamayan na tumutulong sa kanila upang makapasok sa loob ng bawat city na hindi mahuli-huli ng mga kawal ngunit dito sa Ashport mahigpit ang pag iimbistiga sa mga ganong bagay kaya naman mabilis lang ring natutunton ang mga nagpapapasok sa kanila, hindi pa ako nag tatanghalian ay mayron na agad akong misyon.

Liban pa sa kanilang apat ay may napansin pakong isang presensya, kilala ko ito marahil ang ginoong sinundan ko sa bayan kahapon bakit kaya sya naparito hinarang ko ang apat na bandido na nagpagitla naman sa kanila at binigyan ako ng mga matatalim na tingin saka ngumisi.

"Paano kayo nakapasok sa lugar na ito!" Mariin kong tanong sa mga ito, kahit alam ko na ang sagot maliban sa may opisyal nanaman na nagpapasok sa kanila sa City ay marahil sinamantala rin nila ang pagkakataon na nagpalitan ng post ang mga kawal sa end ng tunnel na ito.

"ah! ikaw marahil ang babae na tinutukoy nila, kung san kaylangan namin mag ingat! at minamalas ka nga naman oh taga dito pala sya!" malakas na turan ng lalaking naka mohawk, malaki ang katawan nito at kapansin-pansin na mayrong mga hikaw ang mga ito sa kanilang mukha.

"Malaking pagkakamali na hindi kayo nakinig sa kung sino man ang nag sabi nyan sa inyo, dahil hanggang dito lamang ang maaari ninyong tahakin mga ginoo" maotoridad na anunsiyo ko sa kanila, napansin ko naman ang layo ng pagitan ng lalaking na encounter ko sa bayan kahapon, mukha namang hindi nya kasamahan ang mga ito dahil sa pangungunot ng noo nya sa mga naririnig ngayon.

Akuma Raven: The Colossal PowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon