“Pag-ibig sa unang tingin”
Una kitang nasilayan,
Agosto noong pasukan,
Pa'no nga ba lalapitan?
Kung hiya'y laging nariyan.Matalino ka at maginoo,
Pansinin ako ay sobrang labo,
Sa kanila ay anong laban ko,
Kung babaeng tipo'y hindi ako.Siguro nga'y masyado kang mataas,
Makapitan kailan malalasap?
Hanggang tingin na lamang ba ang wakas,
O ilalaban 'tong pagtinging wagas.Tuwi-tuwina'y laman ng isip,
Ganoon din sa'king panaginip,
Mali nga ba na maituturin,
Umibig sa taong hindi sa 'kin?
Pag-ibig sa unang tingin,
O kay hirap ngang pigilin,
Araw-araw na dalangin,
Ikaw sana'y mapasakin.________
Written by des.
Plagiarism is crime punishable by law.
If you want to copy, put a proper credit.
YOU ARE READING
Just a Poetry
PoesiaA victim of a broken promises? Single na parang broken? A nobody who admiring someone from afar? The happy na makita lang si crush? Or a Rp'er na naniwalang may true love sa pekeng mundo? well this poetry collections is for you.