Chapter Fourteen

13K 250 3
                                    

Wooohh kaya ko pa ito..

Pinag iisipan ko kung igagawa ko din ng story ang mga friends ni Tifanny.

What do you think guys?

C=

*****

She spray her favorite perfume sa kanyang pulso habang tinitignan ang kabuoan niya sa harap ng life size mirror niya. She is now wearing a dark blue cocktail dress na lalong nagpalutang sa kaputian niya. tube ito at backless kaya naman it expose too much of her skin lalo na at hanggang kalahati lang ng binti niya ang haba nito.

Today is her welcome party, oh she doubt if welcome party nga ito para sa kanya. Knowing her father mas magiging business gathering itong event na ito kesa sa welcome party. Dahil sa nakita niyang list of guest na ininvite ng kanyang daddy. Karamihan sa mga ito ay ang mga business associates nito samantalang siya ay ang tatlong kaibigan ang inimbita niya. Well wala din naman siyang maiimbitahang iba dahil sila lang naman ang mga kaibigan niya sa bansang ito.

She tried to stop her parents na wag ng mag paparty pero hindi ito nagpaawat so she just go with the flow. She is so damn one hundred and one percent sure that this party will bore her to death.

Kanina pa nag sisimula pero nandito pa din siya sa kanyang silid. Kanina pa nga siya kinakatok ng mga kasambahay nila pero hindi talaga siya bumababa. Mas gusto pa niyang matulog kesa mag party. Ayaw niyang bumaba pero wala naman siyang choice dahil paniguradong magagalit ang kanyang daddy kapag inindiyan niya ang sariling welcome party.

Muli niyang tinignan ang sarili sa salamin bago naglakad palabas para bumaba na sa garden kung saan ginaganap ang party para sa kanya. Gosh malayo palang siya ang dinig na dinig na niya ang boring na classical music na pinapatugtog. Parang lalo siyang inantok sa narinig.

"Ah finally." Anang kanyang daddy ng makita siyang lumabas sa pintuan papunta sa garden. Umalis ito sa umpukan ng may mga edad ng kausap at nilapitan siya. Obviously rich businessmen. Hinawakan siya nito sa siko at iginaya siya palapit sa mga ito.

"Gentlemen, I would like you all to meet my only daughter Tifanny Marie Briones." Pakilala nito sa tatlong lalaki na kasing edad lang nito.

"Antonio your daughter is so beautiful." She just gave him a fake smile. She know she is beautiful kaya hindi na nito kailangang pangalandakan iyon.

"Hahaha of course Manuel it runs in the blood" proud namang sabi ng kanyang daddy "oh by the way hija this is mr. Manuel Paras, he is one of our biggest clients." Pakilala ng kanyang ama he offered his hand for shake hands kaya naman inabot niya iyon.

"Nice meeting you Sir." She politely said

"And this is Mr. Franco Chen and Mr. Homer Sy" pakilala nito sa dalawa pang lalaki. Nakipag shake hands din siya sa mga ito.

"Nice meeting you Sir. Mr. Sy you daughter, Tyra, and are are good friends." She said. Yes in front of her is a striktong chinese na daddy ni Tyra. Kaya naman pala pamilyar ito kanina ay tatay pala ito ng isa sa mga best friends niya.

"Oh yeah. Kaya kaya pala you look very familiar. But you've change a lot hija." He said. Kahit sa paraan ng pagsasalita nito ay halata pa din ang accent nitong chinese. Ilang beses na din naman silang pumunta sa tahanan ng mga Sy noong high school sila kaya pamilyar na din ito sa kanya. Istrikto ito pero mabait.

"Yes sir. People change. And I've change for the better." She smiled sweetly at him.

"Well that is so good to hear"

"Well gentlemen if you excuse me for a while, hahanapin ko lang po si mommy." She excuse herself. Nginitian niya ang mga ito bago umalis.

She is smiling sa mga nakakasalubong niyang bisita pero lalong lumawak ang ngiti niya ng makita ang isang taong nakangiti din ng maluwag sa kanya. Agad agad siyang pumunta kung nasaan ito at sinalubong naman siya ng yakap nito. Niyakap din niya ito ng mahigpit pabalik.

His Personal Assistant slash Bedmate (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon