Ocean

75 3 1
                                    

In a world that is full of mysteries here I am playing Candy Crush in the middle of the night,

kanina pa ko naiinis dito sa nilalaro ko dahil mauubos nalang ang hearts sa laro ay 'di ko parin natatapos ang level na 'to,

kailan ko ba ma-bebeat ang level ni mama dito hays.

Nang magsawa ako kakalaro ay ibinaba ko na ang hawak kong cellphone at binuksan ang night lamp ko,

I don't really like dark places but tonight ,
it feels different, ayokong buksan ang ilaw at night lamp nalang muna.

Pumunta ako sa bintana ng kwarto ko at pinagmasdan ang liwanag ng buwan, nang hindi pa ako makuntento ay binuksan ko ang bintana at ipinikit ang aking mga mata.

"I want my life back" bulong ko sa sarili ko nang maalala ang mga nakaraan ko, lahat naman siguro tayo ganto diba? All of us have traumas na nagpapabago sa'tin sa hinaharap, it's either mababago tayo nito in a good way or in a bad way, but me? It turned my life miserable, if only... if only I didn't...

"shit! It's 5:30 AM!"

maaga nga pala ang pasok ko at nagawa ko pa talagang magpuyat kagabi, 20 mins nalang ang meron ako bago ma-late kaya hindi nalang ako kumain.

"5:40 palang"

bulong ko sa sarili ko habang lakad takbong papunta sa sakayan, sa sobrang taranta ko sa oras ay hindi ko napansing may papuntang sasakyan na pala saakin,

gustong tumakbo ng mga paa ko ngunit tila nag slow motion ang mundo ko at tinitigan ko lamang ang ilaw nito na papalapit na saakin ng biglang maramdaman ko na bumagsak na ako sa lupa dahil may tumulak sa akin,

pagtayo ko ay tumalikod ako agad ngunit nakita kong tumakbo nadin papalayo ang lalakeng tumulak saakin

"hindi manlang ako nakapag pasalamat, jusko lord wag mo muna akong kunin ngayon wala pa akong first kiss" sambit ko sa sarili habang nakatingin sa kalangitan,

"Miss! tumingin ka sa dinadaanan mo!" sigaw saakin ng truck driver na mukhang naiinis na saakin

"sorry po" paghingi ko ng pasensya dahil baka mas lalo pa s'yang mainis at sadya na akong sagasaan.

Pagpasok ko sa school ay alam kong magiging masama nanaman ang araw ko dahil si Sean agad ang sumalubong sa akin.

"Ocean anong nangyari sayo? Bakit puno ka ng gasgas?" I can see the worry in his eyes, but I won't fall for the same trap again and again.

"Ok lang ako" sagot ko sakanya at naglakad na paabante ngunit sumusunod parin siya.

"dalhin na kita sa clinic" he held my arm which I immediately took back

"Sean please, stop this, nagmamakaawa ako sayo, hindi mo kailangang magbait-baitan sa'kin para makalimutan ko yung ginawa mo sa'kin noon, please lumayo kana kasi lumalayo na ko, mas lalo lang akong nahihirapan kung mananatili kapa at guguluhin ang mundo ko nang paulit-ulit. I can't repeat the same mistake again Sean, we have our own lives now"

Naramdaman ko ang pagbigat ng luha sa mga mata ko kaya tumakbo nalang ako papalayo at iniwan na si Sean sa hallway.

Lumipas ang pitong oras sa loob ng classroom at lutang pa rin ako dahil sa nangyari kanina,

nagising lang ako sa katotohanan nang may humampas sa likod ko

"Remiii masakit!" reklamo ko kay Remi dahil may pagkabigat ang kamay n'ya.

"hoy! narinig ko kayong dalawa ni Sean sa hallway, na overheard ko lang, ang harsh mo naman sakanya" inirapan ko s'ya sa sinabi n'ya.

"alalahanin mo nga yung ginawa n'ya sa'kin dati bago ka magsalita ng ganyan" tila wala namang nagawa si Remi at napabuntong hininga na lamang.

Nang makauwi ako sa bahay ay pumasok agad ako sa aking kwarto, pagkasara ko ng pinto ay biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo kasabay nang pagbagsak ng mga luha ko.

Akala ko ay kaya ko na, akala ko ay makakaya ko nang iwasan s'ya, bakit mo ko pinapahirapan ng ganito?

"Ocean! Bilisan mo nang magbihis at kakain na tayo" rinig kong sigaw sa akin ni Mama kaya agad kong pinunasan ang luha ko at inayos ang aking sarili.

Nang maayos ko na ang aking sarili ay lumapit ako sa bintana upang isara ito ng may dumampi na malakas at malamig na hangin sa akin

"hindi gumalaw yung mga dahon sa puno pero ang lakas ng hangin" pakiramdam ko lang ba? O may kakaiba talaga sa hangin na 'yon?

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at baka ako lang ang nag-iisip ng kung ano-ano at bumaba na para kumain.

"Ma naniniwala kaba sa multo?" tila nagulat naman si mama sa naitanong ko sa kanya.

"Hindi" sagot nito sa akin.

"Bakit?" dagdag kong tanong.

"Hindi pa naman ako nakakakita eh, bakit mo ba natanong?" napatigil si mama sa pagsubo ng pagkain n'ya at alam kong curious ito.

"Kanina kasi sa kwarto nung isasara ko yung bintana biglang humangin ng malakas papunta sa'kin, but what is more even weird is that the leaves on the tree did not move, I don't know ma, something seems heavy on me"

Nagpatuloy ako sa pagkain habang si mama ay tinititigan lang ako.

"You know what 'nak, if something is wrong, just don't think about it, gawin mo lang kung anong ginagawa mo araw-araw tapos hayaan mo lang silang mamuhay dito sa mundo malay mo nagagandahan lang sayo" ok na sana eh sinamahan pa talaga ng biro.

"stop ma, baka wala lang 'yun". Natapos kaming kumain ni mama, tinulungan ko s'yang mag-ayos ng pinagkainan namin at umakyat agad ako sa aking kwarto.

Pagpasok ko sa aking kwarto ay binuksan ko ang night lamp at nahiga na, ipipikit ko na sana ang mga mata ko ng may mapansin ako.

Lumilipad ang kurtina sa bintana ng kwarto ko ngunit nakasarado ang sliding glass dito, sinubukan kong patayin ang electric fan ko ngunit lumilipad pa rin ito,

lumipas ang dalawang minuto bago ito tumigil.

"Wag mong takutin sarili mo Ocean" bulong ko sa aking sarili bago ko ipinikit ang aking mata at pumasok na sa aking pagtulog.

I Dreamed About You 40 Years AgoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon