"kring kring kring!!" tunog ng alarm ko mula sa table na katabi ng higaan ko.
Sa sobrang pag-iisip ko ng nangyayari sa akin ay hindi na ako nakakatulog nang maayos,
maaga nga pala akong papasok ngayon dahil sa gaganapin na event sa school, bakit ba kasi ako nagbibida-bida at ni-nominate ko ang sarili ko dito eh alam ko naman sa sarili ko na hindi ako sanay na gumising ng ganto kaaga.
It's 4:00 in the morning at paalis na ako, medyo madilim pa sa labas pero ayos lang dahil may masasakyan naman ako papuntang school.
Habang bitbit ang mga gagamitin ko na pang design sa classroom ay tahimik kong tinungo ang madilim na daanan papuntang sakayan, tatawid pa lamang ako ay nakakaramdam na agad ako ng iba sa aking katawan,
it feels like someone is watching me from afar, pero hindi ko na inintindi yon at sumakay na sa nakaparang tricycle.
Pagdating ko sa university ay tahimik na paligid ang sumalubong sa akin, medyo madilim pa at walang katao-tao nang may maaninag ako sa malayo,
isang lalake na nakaputi na pang itaas at black pants, mag-isa ito na naglalakad papasok ng university.
Siguro maaga rin pumasok kagaya ko para mag-ayos ng classroom nila, pero hindi naman ganon ang uniform namin at mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsuot ng uniform sa loob ng campus namin kung hindi naman kailangan, hays ano nga bang pakealam ko? madami pa kong gagawin pero mas inintindi ko pa 'to.
Pagpasok ko ng classroom ay agad akong umupo sa isang vacant seat dahil sa sobrang pagod sa pagbitbit ng mga materials.
Makalipas ang ilang minuto ay nag-umpisa na akong magdikura, nang ma-satisfy na ako sa design na ginawa ko ay naupo na ako sa upuan ko at hinintay ang iba kong mga kaklase na pumasok upang sila na ang magpatuloy ng iba pa.
Lumipas ang dalawang oras na pag-aayos ng mga classroom at nagsimula na ang event sa university, marami ang nag-iikot na istudyante at mga guro upang makita ang design at kung ano ang nilalaman ng bawat classroom, sa sobrang ingay ng university ay napagdesisyonan ko na pumunta nalang muna sa garden ng school.
Papasok pa lamang ako sa loob ng garden nang makita ko na may tao pala rito kaya agad akong nagtago sa likod ng puno at pinagmasdan ang lalake na dinadama ang malakas na ihip ng hangin dito.
Is he that guy? s'ya nga yung lalakeng nakita ko kaninang umaga!
napaka kalmado ng mukha nito, bumagay sakanya ang malakas na ihip ng hangin, tila hinihigop ako ng angking ka-gwapuhan nito.
Nasira ang kaginhawaang nararamdaman ko nang bigla itong umalis.
Sa hindi malamang dahilan ay sinundan ko ito, hanggang sa dalhin ako nito sa library ng aming school.
Habang papasok kami nang papasok sa loob ng library ay bumibigat ang pakiramdam ko, I feel something weird inside me, kinakabahan ako.
Lakad takbo ang ginagawa ko upang mahabol s'ya ngunit nawala na s'ya sa aking mga paningin, sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ay napagdesisyonan ko na lumabas na, ngunit bago ako lumabas ay may nahulog na luma at makapal na libro sa harapan ko,
wala itong pamagat at plane white lamang ang cover, sa sobrang curious ko kung ano ito ay sinama ko na ito sa akin.
Agad akong tumungo sa librarian at inuwi ang libro.
Walang kung ano-ano ay nagmadali akong pumasok sa kwarto ko at binuklat ang libro.Wala itong pamagat, pagbukas ko ay may nakasulat agad.
"She got almost hit by a car, I saved her in my dream, but I ran away, I don't want her to see me."
"She is crying in her window, I touched her cheeks, don't cry..."
"She is soaked in the rain, please run, please, don't get sick, move your body, run Ocean"
"oh Ocean, you will never be unloved by me".
Agad kong itinapon ang libro, bakit? bakit lahat ng nangyayari sa buhay ko ay nakasulat sa libro? Detalyadong detalyado ito.
Overwhelmed by fear and confusion, I chose to ignore the book and its unsettling revelations.
I convinced myself that it was merely a coincidence, a product of my overactive imagination. Nagkataon nga lang ba?
Madaling araw na ngunit hindi pa rin ako makatulog, tila binabagabag ako ng libro na ito.
Wala sa sarili kong kinuha ang libro at binuksan itong muli, pinahapyawan ko ang mga salita na nakakubli sa librong ito hanggang sa may mahulog na larawan galing sa libro.
"Familiar ka sa'kin" bulong ko sa aking sarili.
Saan ko nga ba huling nakita ang mukha na 'to. Isipin mo pa Ocean, isipin mo.
Nasa gitna ako ng pag-iisip ng biglang umihip ang simoy ng hangin mula sa bintana ng kwarto ko na hindi nakasara, tumayo ako rito at nag-isip.
"Parang s'ya nga 'yon, that guy, from earlier, yung sinusundan ko. Sino ka ba? Bakit mo ako kilala? Bakit alam mo lahat ng nangyayari sa buhay ko?" sambit ko habang nakatingin sa larawan na ito.
From this moment, I know, I know that something will change, I know that this will be the start of my new beginning, I know that I have things to discover and I need to find that out.
"You are that black card, are you?" sambit ko sa larawan na aking hawak at inipit itong muli sa libro.
BINABASA MO ANG
I Dreamed About You 40 Years Ago
KorkuShe is the dream and the future She will find it sooner, Just enjoy the show 'Cause soon you'll know