3 weeks na ang nakalipas ngunit nasa utak ko pa rin ang mga kakaibang nangyayari sa kwarto ko,
sa tatlong linggo ring iyon ay marami ang nangyari sa buhay ko, ilang beses na akong muntikang bawian ng buhay pero may lalakeng palaging nagliligtas sa akin sa gitna ng kapahamakan,
pero sa tuwing magpapasalamat ako sa kanya ay kusa itong nawawala at makikita ko na lamang na tumatakbo nang papalayo.
Kasalukuyan akong tulala sa klase habang malalim pa rin ang iniisip.
Pati ba naman sa ganong bagay hindi pa rin ako matatahimik?"Miss Ocean i-share mo naman sa amin yang iniisip mo" pag tawag ng Prof ko sa atensyon ko.
"Sorry prof" paghingi ko nang pasensya dahil aminado naman ako na kanina pa ako tulala.
"By the way students, magkakaroon ng event dito sa school natin, para 'yun sa night camp na gaganapin, so need ko ng mga volunteer para sa mag de-design ng classroom natin, and make sure na maaga makakapasok, so who's willing?"
Wala sa sarili kong itinaas ang kamay ko, hindi ko alam pero parang pakiramdam ko na malaki ang matutulong ko pagdating sa designs
"Oh thank you miss Ocean, anyone? Sino pang willing?" tumingin ako sa paligid ngunit wala nang ibang nagtataas ng kamay,
siguro ay dahil sa maagang papasok, tss para naman sa grades n'yo 'to.
"So miss Ocean, ok lang ba sayo? Maaga kang papasok? Maybe habol nalang yung ibang classmates mo sa pag gawa" tumango lamang ako bilang sagot, masaya rin namang tahimik lang habang may ginagawa, hindi ko rin naman ka-close yung iba kong classmates kaya it's totally fine.
Paglabas ko ng classroom ay sinalubong agad ako ng masayang mukha ni Remi.
"bakit parang may iba ata sayo ngayon?" tanong ko kay Remi dahil tila may iba sa kanyang aura ngayon.
"nagbabalak kasi akong pumunta sa fortune teller ngayon, wanna join?" hindi ko alam ang tumatakbo sa utak ni Remi ngayon at gusto n'yang pumunta sa fortune teller, pero may magagawa ba ako? she's my bestfriend kaya sasama ako.
"sige pero ililibre mo 'ko" pambuburaot ko kay Remi
"sure Ocean, you have a rich friend right here" tinarayan pa ako nito bago ako hatakin papalayo.
Lumipas ang ilang minuto sa byahe at nakarating kami sa isang malawak na parang palengke ngunit punong puno ng mga manghuhula,
tabi-tabi ang mga paninda rito na pampa-swerte o mga nagtataboy ng mga masasamang elemento, ngunit pagpasok namin ay bigla kong naramdaman ang mga mata ng mga manghuhula rito na nakatingin sa akin.
"Maupo ka" utos sa akin ng isang manghuhula habang kami ay nag iikot-ikot, wala naman akong nagawa dahil tinulak na ako ni Remi.
Naglabas ito ng maraming kakaibang baraha na ngayon ko lamang nakita, binalasa n'ya ang mga ito atsaka hinilera sa harapan ko.
"Pumili ka ng lima" utos sa akin ng manghuhula. Hindi ako pumili ng basta-basta lamang, hinawakan ko isa-isa ang mga baraha at kung saan ako makaramdam ng mabigat ay ito ang pinipili ko, ibinigay ko sa manghuhula ang mga baraha atsaka n'ya ito tinignan, natakot naman ako sa kakalabasan ng cards dahil tila nagbago ang expression sa mukha ng manghuhula.
"Hindi ko maintindihan at tila nagiging magulo ang takbo ng kapalaran mo, sinasabi ng mga baraha sa akin na may mangyayaring kakaiba sa buhay mo, kakaiba nga ito dahil minsan lang lumabas ang ganitong baraha sa akin, nakasaad dito na mayroong isang tao ang umaaligid-aligid sa iyo, tila may misyon ito sayo, ngunit ang taong ito ay ang magbubukas ng mga sekreto na nakatago sa iyo, ngunit sa isang card na ito..." itinuro n'ya ang isang baraha na kulay itim
"ito ang nagpapagulo sa binabasa kong baraha ng buhay mo, ang maipapayo ko lang sa iyo ay maging matapang ka sa kahaharapin mong malaking pagsubok, kanina bago kayo pumasok dito sa loob ng kwarto ay naglagay ako ng dasal na magliligtas sa iyo sa kapahamakan ngunit huwag kang magpapakampante dahil ang itim na card na ito ang sisira sa dasal na nailagay ko sayo." sambit nito sa akin.
Hanggang sa paglabas namin ni Remi sa lugar na iyon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ng manghuhula, susunod ba ako? o babaliwalain ko nalang? wala naman sigurong mawawala kung maniniwala ako sa sinabi n'ya hindi ba?
Nang humiwalay na ng daan sa akin si Remi ay naglakad na ako pauwi, habang ako ay naglalakad pauwi ay tsaka naman bumuhos ang malakas na ulan.
"Ngayon pa talaga umulan eh wala nga akong dalang payong" bulong ko sa aking sarili.
Bumuhos nang bumuhos ang malakas na ulan na lalong nagpabigat sa pakiramdam ko, tila sinasabihan ako ng mga patak ng ulan na tumakbo ngunit bumibigat ang mga tuhod ko na pinipigilan akong tumakbo.
"Run Ocean" tinig mula sa paligid na tumulak sa akin na tumakbo pauwi.
Pagkauwi ko sa bahay ay hinihingal kong sinalubong ang nag aalalang tingin ni mama, inabutan ako ni mama ng towel at inutusan akong maligo, pagkatapos kong maligo ay dumiretso agad ako sa aking kwarto, hindi na ako kumain dahil tila wala akong gana.
"Ano bang nangyayari sa'kin ngayon Lord?" tanong ko habang nakatitig sa umiiyak na kalangitan mula sa aking bintana.
Hindi pa rin talaga mawala sa utak ko ang bulong na narinig ko kanina, guni-guni ko lang ba talaga ang bulong na iyon? nababaliw na ba ko? agad ko namang kinuha ang unan ko at inihampas sa ulo ko.
"Siguro nga nababaliw na- Ay kabayo!" sigaw ko matapos kumulog ng malakas, wala sa sariling tumayo ako sa tapat ng bintana at binuksan ito kasabay nito ang pagpasok ng malamig na ihip ng hangin na dumampi sa balat ko, ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang ihip ng hangin nang may maramdaman akong humawak sa aking pisngi, nanatili akong nakapikit hanggang sa hindi ko na ito maramdaman.
"Baka hangin lang" sambit ko sa aking sarili ngunit pagharap ko sa salamin ay nakita ko ang mga mata ko na lumuluha.
"Tears?" WTF is wrong with me lately?
BINABASA MO ANG
I Dreamed About You 40 Years Ago
HorrorShe is the dream and the future She will find it sooner, Just enjoy the show 'Cause soon you'll know