Chapter 3

11 23 0
                                    

Chapter 3

Nawi-wierdohan parin ako sa pinagsasabi ng nanay ko at  sa t'wing makikita ko si Ry 'yun agad ang pumapasok sa isip ko.

Kilabutan ka nga!

"May practice daw kayo mamayang 3pm." sabi ko kay Roena. Galing kasi akong office at ininform kami ni Glenniel para sa mga candidates.

Napapadalas yata ang mga ngiti niya sakin t'wing umaga 'yan tuloy ang ganda ng araw ko.

"Huh?" her jaw dropped. Gulat na gulat?

"Huh?" I mocked her. "Narinig mo diba?"

"Wala akong dalang heels, Cid. Tenext mo sana ako kagabi or kaninang umaga..."

"Kanina ko lang din po nalaman."

"Bakit kayo nag aaway d'yan?" pakikisali nang bagong dating na si Ida.

"'yan kasing kaibigan mo wala daw siyang heels." I answered.

"Anong kinalaman ng heels?" parang may malaking question mark sa mukha niya.

"May practice sila."

"Magpapractice daw kami."

Halos sabay naming sagot.

"Okay." palipat lipat ang tingin niya saming dalawa.

Nagsimula narin ang klase namin at may kunting surprise quiz si sir Chris samin about literature buti nalang inaral ko na 'yon.

Papunta kaming cafeteria para bumili ng pagkain nang maabutan namin ang grupo nila Ry kasama na si Glenniel doon. As usual basketball ang pinag uusapan nila at ang team captain nila ay si Ry.

Tinitingnan ko ng mabuti si Glenniel habang nagsasalita ito sa mga kasama niya. Minsan natatawa pa.

"Anong sayo?" tanong ni Ida sakin. Nawala ako sa pagtitig kay Glenniel.

"Kahit ano nalang..." tumingin ako sa mga pagkain. "Kung anong sayo gano'n narin sa akin."

Tumingin ulit ako sa pwesto nila nang mag tagpo ang tingin namin ni Ry. He smiled to me sincerely at ganoon din ang ginawa ko.

Si mama talaga! nagpiplay parin sa utak ko ang sinabi niya pati boses niya rinig na rinig ko parin.

Papunta kami kung saan ang bakanteng table malapit sa kanila. Magkatabi kami ni Ida at si Roena lang sa kabila. Maya maya lumapit sakanya ang boyfriend niya at umupo sa tabi nito. Nakita ko rin na papalapit si Ry samin kasama sila Aziel at Rico.

Naramdaman ko siyang umupo sa tabi ko peru hindi ako umimik at kumakain parin.

Isa.

Dalawa.

Tatlong subo.

Bahala kayo d'yan gutom ako.

"Ano?" I asked Ry because he's staring at me. Nakakailang kayang kumain nang may nakatingin sayo no?

"Nothing..." his lips formed into a thin line habang umiiling.

"H'wag ka ngang tumingin."

Tumingin ako sa mga kasama ko peru may kanya kanya silang kausap.

I sighed.

"Nag lunch na kayo?" Nabubulol pa ako dahil nagsalita akong puno pa ang bibig.

He nooded his head twice. "Stop talking when your mouth is full."

Umikot siya ng upo kabaliktaran ng akin dahil nakatalikod siya sa table. Ang kanyang dalawang  siko ay nakapatong sa mesa kasabay ng kanyang likod na nakasandal rin at tumungo.

PuhonWhere stories live. Discover now