Chapter 4

13 20 0
                                    

Chapter 4

I feel bit shy on him peru pumunta parin kaming gym para manuod ng laro. Sa second quarter na pumasok si Ricel hanggang sa matapos. Napuno ng sigawan ang buong gymnasium kahit mga freshman year maka sigaw  lalabas na ang lalamunan.

Daming supporters ah?

Dumaan muna ako sa SSG office pagkatapos namin manuod ng laro dahil may inabot si Dean sakin na papers at ako nalang ang maghatid sa office. Walang tao doon pagpasok ko, deretso akong pumunta sa table ni Glenniel at napangiti na parang tanga. Paglabas ko ng office may naghihintay na sakin.

"Hoy! ginagawa mo rito?" tanong ko. Bigla bigla nalang sumusulpot.

"Hinihintay ka." sabi niya. Nakapagpalit na rin siya ng damit.

"Oh. Why?" I wiggled my eyebrows.

"Tinatanong pa ba yan?"

As usual.

"Ano 'yan?" tanong ko kay Ry, ngiting ngiti kasi siya sa pinapanood niya sa kanyang cellphone.

Hindi ako pinansin.

"Ano sabi yan—" naputol ang sasabihin ko ng marinig ko ang sariling boses mula sa phone na hawak niya at mabilis na inagaw 'yon.

I saw myself singing while strumming the guitar at may pa pikit-pikit pang nalalaman.

Tangina! malakas ang tibok ng puso ko at nag init ang pisngi ko.

"Oops, oops, oops!" pilit kong inagaw ang cellphone sa kanyang kamay.

Noong una ayoko pang bitawan dahil sakto ang pagkakahawak ko sa cellphone kaysa sa hawak niya ng ma realize ang aming ayos. Nasa pagitan ako ng katawan niya at halos yakap yakap niya na ako mula sa likuran.

Natigil ako saglit sa sobrang lapit niya, amoy na amoy ko ang pabango niya kahit pinagpawisan na kanina.

"I'm still watching it." muntik pa kaming matumba nang lingunin ko siya kaya ang kanyang isang kamay ay mabilis na bumaba sa tiyan ko, handang saluhin ako. "Careful."

I feel something in my stomach. Hindi ko mapangalanan ang nararamdaman ko.

I gave up! Niluwagan ko ang pagkakahawak at nakuha niya rin naman ang cellphone kaya mabilis akong nag lakad at iniwan siya doon.

What was that huh? Cid?

"Cidrenne?" tawag niya sakin. Hinawakan ko ang magkabilang strap ng backpack ko at walang lingon na naglalakad.

Nakalimutan kong matangkad pala siyang tao at mabaha ang biyas kaya naabutan parin ako.

"Saglit nga." Hinila niya ako sa siko. Inalis ko rin at nagpatuloy sa paglalakad na parang wala lang.

Wala lang. Bakit ang lakas ng tibok ng puso ko?

"Cid?" tawag ulit niya nang maiwan siya.

Hinabol niya ako at inabot ang pulsuhan ko paharap sakanya.

"Bakit na sayo 'yan?" Galit kong tanong sakanya pag harap ko.

"Wait. Why are you mad?"

"In-upload na ni Ida?" Siya lang naman ang may video sakin at sinabi niya kanina.

"She send it to me." he said.

"Huh? Delete mo na! nakita mo na yan kanina." Hahablutin ko pa sana ang cellphone peru agad niyang na iwas.

"Bakit ba? ang ganda nga eh."  tumungo siya.

I stomped my foot.

"Eh... kasi nakakahiya. Pinapahiya talaga ako ni Ida." Pakiramdam ko umuusok na ang ilong ko sa galit.

PuhonWhere stories live. Discover now