Chapter 3: Bangungot ng Nakaraan

11 0 0
                                    

Pinag-masdan ko ang sirang relo ni Daddy. Isa itong Mechanical Watch. Ito yung relong hindi na kailangan ng baterya. Tinignan ko sa likod at nakita ko ang tatak nito. Naka- ukit sa likod ang salitang Paradox. Sinubukan kong igalaw-galaw ang relo baka sakaling gumana ang mekanismo nito sa loob kaso napansin kong hindi umiikot yung nasa loob nito. Kinalawang na siguro sa sobrang tagal o kaya may nasirang piyesa sa loob. Tinignan ko ulit ang loob ng package at nakita ko doon ang lalagyan ng kahon ng relo. Binuksan ko ito at nakita ko ang isang kapirasong papel. Nakalagay dito ang address at pangalan ng kumpanya na gumawa nito. Bukas ko nalang siguro ito pupuntahan dahil pagod pa din ako sa pangyayari. Akalain mo yon, wala na akong trabaho, ninakawan pa ako ng wallet at laptop at iniwan pa ako nang taong minamahal ko. Pero hanggang ngayon, nagtataka pa din ako kung paano na sakin ulit ang wallet ko eh ninakaw na sa akin ng bata yon.

Sinuot ko sa kamay ko ang relo. Oo isusuot ko pa din kahit sira, pangpa-porma lang at ipapagawa ko naman to kinabukasan doon mismo pinagbilhan nito. Pumunta ako sa harap ng aking refrigerator at kumuha ng limang beer, magpapakalasing nalang ako. Naupo na ako sa sofa at binuksan ang telebisyon para manood ng documentary.

“Stephen Eagle’s Time Travel Theory Documentary” sabi ng announcer sa Telebisyon at nakikinig lang ako habang lumalagok ng beer.

“Let’s begin in this question. Is Time Constant or Relative?” tanong ng naka wheel chair na lalake sa documentary.

“Gagawa kayo ng documentary tapos sa amin nyo itatanong? Mga gago” pamimilosopo ko at uminom ulit ng beer.

Pagkalipas ng bente minutos at lasing na ako…..

“Let’s talk about twin paradox. There is a female twin and they age 23 years old. The one is riding a space jet that can travel speed of light and the one is on the ground. The one travel at speed of light the she came back to earth. She find’s out the her twin sister is now old.”

“Oh taposhh problema ko ba yon? ?” Habang napipikit ang aking mata dahil sa kalasingan at nakaka limang beer na ako at di ko na alam kung anong part na ng documentary tong pinapanood ko

“Let’s talk about the schrodinger cat experiment. Schrödinger stated that if you place a cat and something that could kill the cat (a radioactive atom) in a box and sealed it, you would not know if the cat was dead or alive until you opened the box, so that until the box was opened, the cat was (in a sense) both "dead and alive".

“Hehe ming ming shshshshs”

“Up Next: Paradoxes Explained”

At dito na ako nawalan ng malay sa kalasingan

Biglang akong nagising, hindi ko alam kung nasaan ako, blanko lahat ang mga nasa paligid. Ang mga nakikita ko lang, mga pusa na lumulutang, buhay at patay. May liwanag na nakakabit sa kanila sa bawat isa, konektado sa isang buhay na pusa pero kapag sa patay na pusa ay walang nakakonekta.

“Ming pshshshsh” pagtawag ko sa mga pusa pero nilabas nila ang mga pangil

Biglang nagulo ang mga pagkakakonekta ng bigla akong atakihin ng mga buhay na pusa
Dito na ako napatakbo, bahala na kung saan ako mapunta.
Mga ilan talampakan nalang bago nila ako maabutan. Bago pa sila maka lapit sa akin, may sobrang bilis na space jet kaya tumilapon yung mga pusa. Nakita ko na sumaludo sa akin yun nakasakay sa loob ng space jet.
Biglang nag iba ang kapaligiran, nakita may isang binata na saksakain ang matandang lalake.

“Wag!” sigaw ko para mapigilan.

Pero iba ang nangyari, dahil parehas na silang may hawak na patalim at akmang sasaksain na ako, hinarang ko ang dalawang kamay ko.
Napatigil sila at napansin ko nakatitig sila sa relo na nasa akin pulso. Napatango sila sa isa’t isa.

“Saan mo nakuha ang relo na yan, iho? Tanong sa akin ng matandang lalaki
“Pamana ho sa akin ng aking namayapang Ama” kinakabahan kong sagot
“Ikaw ang ni” biglang naputol ang sasabihin ng matanda ng nawala sila sa paningin ko
Napagtanto ko na ako pala ang nawala at napunta ako sa ibang lugar. Lugar na kung saan maraming paro-paro, bawat kumpas nila may nangyayaring kakaiba. Nag iiba iba ang mga senaryo sa pagilid. Dumapo sa akin ang isang paro-paro sa may akin relo, bigla akong napunta sa isang pamilyar na lugar. Lugar kung saan ko nakitang nakahandusay sa sahig ng kusina ang aking ina, walang malay at bumubula ang bibig.

“M-Mom?” malapit na akong humagulgol dahil parang bumalik lahat ng sakit ng nararamdaman ko

Nanginginig kong nilapitan ang walang malay kong ina sa sahig at ng hahawakan ko na ay biglang kumumpas ang paro-paro sa akin kamay

Napunta ako Isang park malapit Zambrano building kung saan ako dating nagtratrabaho at nakatulala dahil sa nakita ko ulit ang mga pangyayaring iyon

“AHHHHH!” sigaw ng isang babae at dito bumalik ako sa ulirat

Mabilis na nagkumpulan ang mga tao sa harap ng building, lumapit ako at hinawi ko sila para makita kung ano ang pinagkakaguluhan nila.

Biglang bumuhos ang aking luha sa nasaksihan, ito ang bangkay ng aking Ama, nagkalat ang dugo sa sahig

“Hala, si Mr. Zambrano to, yun may ari ng kumpanya” sabi ng isang estrangero

“Baka nagpakamatay dahil hindi nya nakayanan ang nangyari sa kanyang asawa” sagot ng isa pang estranghero

Lalapitan ko na sana to ng biglang may sumuntok sa mukha ko at nakakita ng isang lalake may itim na hood na suot bago ako mawalan ng malay

Nagising ako sa isang katok sa pinto ng aking nirerentahan na bahay

“HOY BRUNOOOOO!!!!!”

(Itutuloy)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Elemento Presents: The Wrist WatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon