Nakita ko ang girlfriend kong si Veronica na kasama ang madreng nahimatay. Niyakap ko si Veronica ng mahigpit at nagsusumbong sa kanya at takot na takot ako
"Baby, salamat dumating ka, kung di ka dumating kanina pa ako na rape nung baklang bakulaw na yon" mangiyak-iyak kong sumbong sa kanya.
"Kasama ko pala si Sister Donna, hingi ka nalang ng tawad at umalis na tayo, pinaki-usapan ko nalang si Sister na I-urong ang kaso mo dahil sa pagmumura at tangkang pagpatay." walang buhay na sagot sa akin ni Veronica.
"What?! Di ko pinapatay si Sister kanina, ginigising ko nga sya eh kaso sa leeg ako napahawak dahil sa taranta" gulat akong nagpaliwag dahil di ko naman talaga pinapatay si Sister Donna.
Tinignan ko si Sister Donna at humingi ng tawad sa nangyari.
"Sister sorry po sa nangyari kanina, hindi ko naman po sinasadyang magmura, ninakawan lang kasi ako kanina kaya nagalit ako, hyaan nyo po hindi na po ako magmumura ulit." Paliwanag ko kay Sister, pero magmumura pa din ako, walang makakapigil sa akin.
"Kaawan ka ng Diyos apo at wag mo na ulit gagawin yon, masama magmura. Oh sya, mauna na muna ako at may aasikasuhin pa ako sa simbahan" sabi sa akin ni Sister Donna at nagpaalam na sya para umalis.
Tinignan ko ulit si Veronica at sinampal nya ako ng sobrang lakas na halos mahiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko.
"Ano ba Bruno! Pinag-alala mo ako!" at siya at umiyak.
Yayakapin ko na sya ng bigla nyang sinabi.
"Wag mo akong yakapin!" sigaw nya sa akin.
"Ako nalang yayakap sa kanya Sistah" malanding sabi ng bakla bakulaw sa kulungan.
"Manahimik ka!" pagalit na sagot ni Veronica sa baklang bakulaw.
"Ay sungit mo naman teh! HMP!" pa sungit na sagot ng baklang bakulaw.
Inabot sa akin n Mamang Pulis yung Bag ko at mga gamit. Nabigatan ako sa bag ko dahil sa laman nitong laptop. Pero galit sa akin si Veronica dahil nakulong ako. Iba talaga mag-alala itong girlfriend ko. Palabas kami ng presinto pero may naalala akong gawin muna at bumalik sa loob para tignan yung baklang bakulaw at binigyan ko sya ng fuck you sign.
"Uhhh Oppaaaaaa! Na horny ako sa ginawa mo! Kasi pak pak mo ako!" kadiring sagot ng baklang bakulaw.
Kinilabutan ako sa sagot nya sakin na dapat hindi ko nalang sana ginawa yon.
Hinila na ako ni Veronica palabas ng presinto at sumakay kami sa kotse nya. Siya ang nag drive kasi wala akong lisenya at hindi ako marunong dahil wala naman akong pambili ng kotse. Binabagtas namin ng gabi ang Highway at wala pa din syang Imik. Sinubukan kong basagin ang katahimikan.
"Loves, Galit ka pa din ba?" pa-cute kong tanong ko sa kanya.
"Manahimik ka Bruno" walang buhay na sinabi nya sa akin at sigurado akong galit pa sya sakin.
Ayon na nga nanahimik nalang ako. Wala pang Bente minutos at hininto nya ang sasakyan, nagsalita sya at nagimbal ang mundo ko sa sinabi nya.
"Bruno, break na tayo, tapusin na natin relasyon natin" pa-iyak na sinabi ni Veronica
"Diba nag jo-joke ka lang Loves? Diba???!" naiiyak na akong sagot sa kanya pero sana biro lang ang sinabi nya.
"Hindi, Bruno. Dahil pagod na ako"
"Diba masaya naman tayo noong isang araw??? Ang babaw ng dahilan mo!" Tumulo ang luha ko.
Di na sya umimik at bumababa ako ng sasakyan para makapagpalagamig. Ramdam ko ang malamig na simoy ng hangin at nagsindi ng sigarilyo. Bumababa din sya at dala ang bag at gamit ko at hindi man lang sya nabigatan, nilapag nya sa tabi ko. Niyakap nya ang likod ko. Di ko sya matignan dahil wala akong ideya kung saan sya napagod.
"I'm sorry, Bruno. I love you" bumitaw na sya ng yakap at pumasok sa kotse nya. Pina-andar na nya ito at iniwan ako sa daan.
Nubos ko na ang hinihithit kong sigarilyo at binuhat na ang mga gamit ko. Napapa-isip pa din ako kung saan ako nagkamali, pero mas napapa-isip ako kung bakit hindi ko sinabi sa kanya na hatid nya ako sa bahay ko. Napasigaw nalang ako sa daan.
"Putanginaaaaaaaa!!!!!"
Nilalakad ko ang kahabaan ng highway dala ang bag ko at ibang gamit ko na nasa kahon. Para akong sira-ulo sa daan na kumakanta ng Ex Batallion.
"Hayaan mo na yan~ sige sige maglibang~" di ko na tinuloy, nalimutan ko yung lyrics.
Isang oras na akong naglalakad ng biglang may humablot ng bag ko kung nasaan ang laptop ko. Hindi ko naaninag mukha nya dahil gabi at naka jacket hood pa ito ng itim. Dinukot ko ang cellphone at wallet ko.
"Oh eto? Kailangan mo pa? Kunin mo na lahat! Tangna!" pang gagago kong sabi snatcher.
"Sige bente lang" sagot naman nito sa akin na nilaliman pa boses para hindi ko makilala
Kinuha nya ang wallet ko at dumukot ng bente. Binalik nya sa akin ang wallet ko at nilagay ko sa bulsa ko. Tumingin ako sa kanya at nagulat ako, nawala yung snacther? Ang bilis naman nawala pero nanghihinayang pa din ako sa laptop ko kahit paano. Nag patuloy nalang ako sa paglalakad ng may makita akong bahay aliwan sa daan. Ang nakasulat sa sign nila "Hayaan mo na sya~ Tara tara mag-inom~". Pumasok nalang ako sa loob at hindi gaano madami tao. IInom nalang ako para mawala sama ng loob ko sa mundo.
Naka ilan bote na ako ng alak at ramdam ko na ang kalasingan. Dinukot ko ang wallet ko. Bigla na naman akong napa-isip. NInakawan na ako ng wallet kanina pero nakapag bigay pa ako ng bente sa snatcher at napapagbayad pa ako ng inumin. Pero hinayaan ko nalang at nagbigay ako ng 200 pesos doon sa waiter.
Pasuray-suray na ako sa daan at malayo na ako sa bahay aliwan ng aking maalala ang gamit ko sa kahon ko, tinakbo ko ulit pabalik yung bahay aliwan at ng biglang may humaharurot na bus sa harap ko at nasilaw ang sa ilaw nito at nawalan ako ng malay.
Nagising ako sa sofa at kinakapa ko ang sarili ko kung buhay pa ako, at Nakita ko ang gamit ko sa na nasa ibabaw ng lamesa. Tinanong ko ang sarili ko kung patay na ba ko, pero hindi dahil sinapak ko ang sarili ko at nasaktan ako, pero mas masakit ang nagyari kagabi. Masakit iwan ng taong mahal sa gitna ng daan at masakit mahiwalayan sa mababaw na dahilan.
Tinignan ko ang picture ni Daddy na kasama ako noong bata pa ako.
"Kasalanan mo to. Kasalanan mo talaga to, iniwan mo ako. Iniwan ninyo ako ni Mommy" napapaluha kong sabi.
"Ding-Dong!" tunog ng door bell.
"Sino yan?" Tanong ko
"Delivery po para kay Bruno Zambrano galing kay Elvira Zambrano"
"Ako nga, Sandali lang" sagot ko at pinusanan luha ko at nainis ako sa narinig kong pangalan, pangalan ng aking madrasta.
"Dalian mo, may iba pa akong delivery."
"OO NA! ETO NA!" pasigaw kong sagot dahil sa kabastusan nito. Binuksan ko ang pinto may pinamirma sa akin at kinuha ko na ang package.
"Ang oras ay iyong kontrolado. Humanda ka sa mga kabalintunaan"
"Hahahaha siraulo" tawa kong sabi sa kanya at sya na ay umalis
Sinara ko na ang pinto at binuksan ang kahon. Nakita ko ang nasa loob nito at naalala kong gamit ito ni Daddy. Mga papeles, pictures namin magkakasama, pictures nila ni Mommy. Naalala ko tuloy na namatay si Mommy nung pagkasilang ko. Pumukaw naman ang atensyon ko sa isang sirang relo, relo ito ni Daddy na nakita sa katawan nya nung namatay sya.
BINABASA MO ANG
Elemento Presents: The Wrist Watch
Science FictionSawang-sawa ka na ba sa mga pangyayari na di mo mapigilan? Yung tipong kung pwede mo lang kontrolin ang oras at pangyayari? Yung kokontrolin mo ang nakaraan para may magbago sa kasalukuyan? Isusugal mo ba ang kasalukuyang pangyayari? Handa ka ba sa...