CHAPTER 1: GAGONG BUHAY

42 3 2
                                    

"Gawin mo nga itong mga paper works, asap" utos sa akin ng hukluban boss na si Ms. Zambrano.

"Mam. Zambrano, di pa po tapos itong mga pinagawa nyo kanina eh! Tapos may pinapagawa na naman kayo?! Mataas ba binibigay nyong sahod ko ha?!" pasigaw kong sagot dahil sa inis sa hukluban na to.

Sa araw-araw ba naman na ginawa ni diyos, puro ako nalang pinag iinitan dito sa opisina, dagdag pa tong bwusit na anak nya, hindi lang basta anak, kapatid ko sa tatay. Alam kong sa kanila ma itong kumpanya na pinagtatrabahuan ko pero kay daddy talaga itong kumpanya, bwisit naman kasi kung bakit namatay pa si Daddy, kitang kita ko pa noon na may nagtulak sa kanya sa rooftop noong bata pa ako at kitang kita ko na may isang lalake ang nagliligtas sa kanya pero hindi din sya na-iligtas pero kung nailigtas sya ng lalaking naka black ang suot. Kung buhay pa siguro si Dad sana hindi ganito ang buhay ko.

"Aba, sumasagot ka na, tutal sa akin naman pinamana ng Daddy mo tong Company. You're fired!"

"No, I'm not fired. I quit to this b*llshit company!"

Habang nagliligpit ako ng mga gamit ko para makalayas na kumpanya na to. Biglang lumapit sa akin ang kapatid ko sa Ama na si Lucas.

"Balita ko bro, pinaalis ka dito sa Zambrano Company haha, sa bagay pang gulo ka lang naman dito eh" sabi sa akin ng hayop na to.

Hindi nalang ako kumibo habang nagliligpit ng mga gamit. Pinipigilan ko nalang na masapak sa mukha ang hayop na to buti umalis na din agad.

Pumasok na ako ng elevator dala ang mga gamit ko dala ang mabigat kong mabigat kong bag na may laman na laptop. Nakasabay ko pa itong mga dalawang matatabang babaeng chismosa sa kumpanya at pinagbubulungan nila ako.

"Diba Zambrano din sya? Eh bakit pinaalis sya?" sabi ng nasa kaliwa na babae.

"Ang alam ko tamad daw kasi" sabi naman ng sa kanan na babae

Hayop talaga yun Lucas na yon, ka-lalakeng tao pinag chichismis ako. Dinukot ko ang cellphone ko sa bulsa ko at kunwari may tinawagan.

"Alam mo na gagawin sa matatabang nasa Zambrano Company" tas sabay ngiti sa kanilang dalawa

"Mag saya na kayo sa nahuhuling buhay nyo sa mundo" panakot ko sa kanila

Kitang kita ko kung paano sila manginig dahil sa panakot ko, kulang nalang pati mga mantika nila sa katawan ay manginig haha. Lumabas na ako ng elevator dala ang mga gamit ko sa opisina. Kitang kita ko kung paano ako tignan ng mga nakakasalubong ko. Kahihiyan para sakin ito, nalaman na din siguro nangyari. Habang papalabas na ako ng opisina nakita ko ang pinaka-matagal na security guard na nagtratrabaho dito sa Zambrano Company.

"Bruno, Seryoso ka aalis ka na dito?" malungkot na tanong sa akin ni Mang Antoy.

"Opo, sawang sawa na kasi akong inaapi dito sa opisina. Ingat nalang po kayo palagi dito mang Antoy" sagot ko sa kanya. Paalis na ako ng bigla nya akong tawagin.

"Bruno! Sandali may sasabihin ako" nag iba ang tono ng boses nya na parang may importante talagang sasabihin.

"Po? Ano yun?" tanong ko sa kanya.

"Wala pala iho, nakalimutan ko sasabihin ko"

"Kahit kelan po talaga Mang Antoy, ulyanin ka na haha"

"Ingat ka nalang pauwi iho" tas ngumit si mang Antoy.

Nandito ako ngayon sa abangan ng jeep. Sa hindi malamang kadahilanan, punuan lahat ng jeep at halos isang oras na akong naghihintay dito at sobrang bigat pa tong mga dala kong kahon na pinag lagyan ko ng mga gamit ko sa opisina at dagdag pa itong mabigat ko na bag. Biglang may lumapit sa akin na batang babae.

Kung titignan mo ang bata, parang di nakakakain ng tatlong beses sa isang araw, madungis at nakaka awang tignan. Bigla sumigaw ang bata at naka lahad mga palad nya.

"Kyah! Pembarya" nakangiti sya sa akin at kita ko ang mga ngipin nyang bungi.

"Sabi ko na nga ba eh" binaba ko muna ang dala kong kahon sa sahig at kinuha ang wallet ko sa likurang bulsa ng pantalon ko at kumuha ng pera at binalik ko ulit sa bulsa ang wallet ko.

"Oh eto singkwenta, wag mong pang rugby at solvent yan ah?"

"Opo kuya! Salamat!" bigla akong niyakap ng bata at tumakbo paalis na may halong nakaka-antig na ngiti sa labi dahil sa pagtulong ko.

Sa wakas may jeep na din na masasakyan. Kinuha ko ang kahon na sa sahig at sumakay na sa jeep. Pag akyat ko sa jeep, may nakita akong matandang madre at sya lang ang pasahero sa loob. Ningitian ko sya.

"Peace be with you po" nakangiti kong sabi sa matandang madre.

"Peace be with you din iho" nakangiting sagot ng matandang madre sa akin.

Umandar na ang jeep. Nang dudukitin ko na ulit ang wallet ko sa bulsa ko, napamura ako.

"Anak ng p*ta naman oh! Nadukutan pa ako! Kapag nakita ko ulit yun asungot na batang yon ibibtin ko sya patiwarik!" nang gigil kong pasigaw sa loob ng jeep.

"Hala Diyos ko! Patawarin mo itong nilalang na to, madumi ang kanyang bibig" nag sign of the cross ang matadang madre at hinimatay. Nataranta na ako.

"Sister gising po! Gising!" napawahak ako sa leeg ng matandang madre gamit ang dalawang kamay ko dahil sa nerbyos at taranta na baka nakapatay ako ng tao dahil sa pagmumura. Inaalog ko sya para magising.

Sakto naman na may inspection stop ng pulis na hinintuan ng jeep sa daan at baka sakaling makahingi ako ng tulong sa kanila. Biglang sumigaw ang jeepney driver.

"Mamang pulis! Tulong may pinapatay na madre sa loob ng jeep ko!"

Pumunta ang mga pulis sa likod ng jeep at nakita nilang nakahawak ako sa leeg ng madre at kung titignan ay parang pinapatay ko nga ito dahil nakahawak ako sa leeg nya gamit dalawang kamay ko.

"Arestuhin at posasan nay an!" utos na pasigaw ng pulis sa mga kasama
Eto na nga, hinuli ako ng pulis at pinosas ang dalawang kamay ko at ang isang pulis ay dala ang kahon kung nasaan ang mga gamit ko at halatang nabibigatan sya sa bag dahil sa laptop na at dinala nila ako sa presinto.

Sa loob ng presinto. Kinausap ako ng isang pulis at kinuha ang mga personal na detalye tungkol sa akin at kinuha muna nila ang cellphone at mga gamit ko.

Nasa loob ako ng kulungan kung saan pinagtitingin ako ng mga kasama kong nakakulong din. Biglang lumapit ang isang maskuladong lalake na may pink na hello kitty tattoo sa kanan balikat at inakbayan ako.

"Pogi! Bakit ka nakakulong? Di ka mapapahamak dito basta alam mo na" tanong at sabi na may halong tunog ng pagdila habang nakatingin sya sa babang harapan ko.

"Ah eh, ah eh" ayan na lang nasasabi ko dahil ninenerbyos ako na baka matikman ako ng walang hiyang to. Bigla binuksan ng pulis ang kulungan.

"Laya ka na Mr. Zambrano" sabi ng pulis

Nang lumabas na ako ng kulungan at sinara ang rehas.

"Oppa wait for me to laya laya ah" nakaka tindig balahibo na sinabi sa akin ng bakla.

Ang pinagtataka ko lang kung sino nagpiyansa para sa akin.

Nakalabas na ako ng kulungan at nakita ko sya at kasama ang matandang madre.

Elemento Presents: The Wrist WatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon