Archie's POV
[Hello Boss? -- Oo. Boss isantabi muna natin yung plano... Ako ng bahala.. Oo, bakasyon ko naman boss e! Ako na bahala dun.. Sige oo - Bye] pabulong kong sabi in-end call ko kagaad dahil malapit na si Vice.
Nandito kami ngayon sa Tagaytay. Nag-aya kasi kaming magbakasyon at sinantabi muna namin ang planong pabagsakin ang hayop kong Boss na si Mr. Viceral!
//
"Sinong kausap mo Chie?" tanong ni Vice bago makalapit sa kaibigan
Kanina niya pa kasi nahahalata ito.
"Wala boss. Yung girlfriend ko." pagsisinungaling ni Archie sabay lagay ng phone sa pocket
"Si Shane?" tanong ni Vice nagnod naman slowly si Archie sabay paalam na pupuntahan na niya ang iba pang kaibigan.
\\
Karylle's P.O.V
Tagaytay.. Nagmumuni-muni ako sa Skyranch park kasama si Vhong. Inarkila ni Vice ang buong park para sa bakasyon. Medyo napatawa pa nga ko. Skyranch? Napaka childish talaga ng mga 'to. Haha, naglalakad kami ni Vhong sa park napatigil naman ako sa tanong niya.
"Mahal mo pa ba si Boss?" tanong niya napalingon naman ako sa kanya. Itinaas ko ang kilay ko 'Tama ba yung pagkakarinig ko' Look lang ang ibinigay ko sa kanya.
"Silence means ...Yes!" sabi ni Vhong nang nakangiti.
"Di lahat ng silence means Yes!" sabi ko sabay upo sa bench kaharap ang napagandang tanawin. "Pwede ding ewan.. di ko alam o pwedeng hindi na." sagot ko.
Umupo at lumingon naman siya sakin. "Hindi?!" tanong niya natawa naman ako, nagkibit balikat lang ako sa kanya
"Ehem.." narinig kong may umubo sa likod namin. At di ako nagkamali sa hinala ko dahil si Vice nga yon, nagpaalam naman si Vhong tinap niya lang yung likod ni Vice.
"Ok na pala kayo ni Vhong?" tanong ko habang pinapanood siyang papaupo sa tabi ko.
"Tayo lang naman hindi e." plain n'yang sagot isinuot naman niya yung glasses niya naguilty naman ako narinig niya ata yung pag-uusap namin ni Vhong.
Nag look away ako sabay sagot "Hm.. Narinig mo?" tanong ko nagnod naman siya, malungkot parin.
"Mahal mo pa ba ko?" tanong niya
- A moment of silence -
Di ko kasi alam ang isasagot ko. Oo nung nagpunta kami sa mansion, I love you too yung sagot ko pero di ko alam kung sigurado pa ba ako sa nararamdaman ko ayoko ng magpadalos-dalos ayoko ng masaktan ulit si Vice.
Tumingin ako sa kanya diretso lang yung tingin niya sa view even tho suot niya yung shades niya alam kong malungkot ang mga mata niya. Naglook away ulit ako at huminga ng malalim
Magsasalita na sana ko, sasagutin ko na sana ang tanong niya ng lumingon ako His tears fell again.. Natuod ako sa kinauupuan ko.
"Vice.." bulong ko sabay kapit sa kamay niya. Umusod naman ako para punasan yung mga luhang dumadaloy sa mukha niya.
Tinignan niya ko sabay alis ng shades namumula yung mata niya, hinawakan niya naman ang kamay ko sabay haplos sa cheeks niya.
"Papagalitan nanaman ako ni Nanay sasabihin pinaiyak nanaman kita." banggit ko ewan ko wala kasing ibang pumapasok sa utak ko.
"Isusumbong kita.." sabi niya na parang bata "Sa buong buhay ko bukod sa nanay ko, ikaw lang yung babaeng iniyakan ko." dadag niya
"Bakit ikaw lang din naman ang lalaking iniyakan ko ah tsaka ikaw lang din yung lalaking minahal ko." sabi ko nakita ko syang ngimiti. I love seeing him smile :)