~
After that scene, I failed to bring Karylle sa Mansion.
(a/n: Look at the picture of The Viceral Mansion at the Multimedia)
Pagka park ko ng kotse ko nakita ko kaagad si Vhong sa pintuan. Bago lumapit sa kanya tinignan ko muna yung kabuuan ng bahay. 'Eto yung dream home ni K.' bulong ko sa sarili ko
"Boss! Ano balita uuwi na ba si Mrs. Viceral?" Vhong habang kinukuha yung small brief case na hawak ko. Umiling lang ako tsaka pumasok sa loob.
"We must think a good plan boss. Pano kaya kung- kung kidnappin natin yung mga kaibigan niya tapo--
"Fuck you. Di ko gagawin yon no!" sabi ko sabay salampak ng upo sa sofa.
Bumuga ako ng hangin kasabay ng pag yuko ko. "Napakalaki ng bahay ko Vhong. Maid at ikaw lang ang nakikinabang." malungkot na tugon ko sabay sandal sa sandalan ng kinauupuan ko.
Nakita ko naman ang paglungkot ng pagmumukha ni Vhong kaya tumayo ako akmang aalis na ng nagsalita ulit siya.
"Boss 'wag mag-alala. Babalik ulit si Ma'am Karylle dito. Pangako!" sabi niya sabay ngiti. Ti-nap ko lang siya sa balikat sabay alis papunta sa kwarto.
Karylle's P.O.V
Pinilit kong wag umiyak sa eksena kanina. Sabi ng utak ko 'Ayoko na.' kabaliktaran yon ng sinasabi ng puso ko.
~*~
"Come home with me.."
Natuod ako sa sinabi niya tumayo ako ng maayos at nilingon siya.
"Please.. Mahal!" dagdag pa niya pinilit kong di umiyak.
Hindi ako nagsalita ayokong magpadala sa emosyon ko. Oo inaamin ko may konti pa kong nararamdaman para sa kanya. Pero, basta magulo. Lumapit siya sakin at niyakap ako
"Mahal kita. Mahal na mahal!" sabi niya sabay halik sa noo ko. Pinigilan ko talagang di umiyak promise pero kusang tumulo yung luha ko
Tumingin ako straight in his eyes. Nakita kong namumuo narin ang mga luha sa mata niya. Yumuko ako at inalis ang mga kamay niya mula sa pisngi ko.
"You tell me you loved me, so why did you go away.." sabi niya. Iyak nalang ako ng iyak kasabay ng pag-alis niya sa opisina.
Lumingon ako kung san siya patungo pero nakaalis na siya.
Gusto kong sabihin na "Mahal na mahal pa rin kita! Vice.." pero wala na siya.
Siguro nga tanga ko dahil iniwan ko siya, Sobrang tanga! 'Sorry..' huling sabi ko. Napaluhod nalang ako sa kakaiyak
~*~
'Ganyan ka na ba katanga ngayon. Ana karylle? Pinakawalan mo yung taong pinakamamahal mo noon' bulong ko sa sarili ko.
Hinawalayan ko sya dahil nalaman kong Boss siya ng pinaka makapangyarihang Mafia sa buong Asia. Pumapatay sila ng mga tao, natakot ako, lumayo ako kasabay ng pag sising hanggang ngayon dala-dala ko.
"Karylle?" tawag ni Coleen kasabay ng pagkatok. Pinunasan ko yung mga luha sa mga mata ko, I smile at her sadly.
"Sorry.. K! Sana di ko na pinilit." sabi niya sabay punas ng mga luhang dumadaloy sa pisngi ko.
"Ano ka ba ok lang! Nagpapasalamat nga ako sayo e. Kasi ngayon napagtanto ko na sobrang tanga ko." sabi ko kasabay ng pag yakap niya sakin humiwalay ako and I just cry myself to sleep.
Coleen's P.O.V
3:30 am in the morning narinig kong nag riring yung phone ko. I lazily grab my phone to see kung sino yung nang iistorbo.