♪ Can't believe that I'm the fool again
I thought this love would never end
How was I to know?
You never told me ♪“Ma ano ba, tama ka na,” sabi ko gamit ang aking pabirong tono.
“Bakit ba! Naku ang gwapo talaga ni Shane Filan! Kung hindi lang kita napangasawa, siya na asawa ko ngayon,” sabi ni Mama kay Papa na katabi ko ngayon. Tutok na tutok si Mama sa panonood ng music video ng Westlife sa TV
Tumawa ang nakababata kong kapatid na si Bethany habang si Papa naman ay umiling. Natawa rin ako dahil sa sinabi ni Mama pero agad na napalitan ng ngiwi nang kumanta uli siya.
“Ma tama na talaga, mas malakas pa boses mo kaysa volume ng TV. Nasasapawan mo masyado,” sabi ko uli. Inirapan niya lang ako at mas nilakasan pa ang pagkanta. Sinabayan pa siya ni Bethany kaya mas lalong nasapawan ang boses ng mga members ng Westlife.
Ewan ko ba naman kung bakit fan na fan sila ng Westlife! Even my best friend is a huge fan of that boy band.
“Gwapong-gwapo ka riyan e mas gwapo ako riyan,” hataw ni Papa kaya kinurot siya ni Mama sa tagiliran. “Pa mahiya ka nga, walang sinabi 'yang itsura mo kay Shane Filan hano!” Nang-aasar na sabi ni Mama.
“Hoy Ma, lamang lang sa 'kin ng ilang paligo 'yan, mas gwapo pa rin ako,” nagmamayabang na sabi ni Papa. Tumingin si Mama kay Papa at umaktong parang nasusuka. Humagalpak kami ng tawa ni Bethany dahil do'n.
Ganito talaga sa pamilya namin. Bardagulan here, bardagulan there, bardagulan everywhere. Kitang-kita naman na ang mga magulang ko ang promotor ng mga asaran. Para lang talaga kaming barkada rito. Nag-aasaran with respect.
Pumalakpak si Mama at si Bethany nang mag-play ang panibagong kanta ng Westlife sa TV. Kakampi yata nila ang Myx na kanina pa nagpapatugtog ng Westlife.
♪ I'm never gonna say goodbye
'Cause I never wanna see you cry
I swore to you my love would remain
And I swear it all over again and I ♪Napahikab at naglakad na lang ako papasok sa kwarto dahil hindi ko talaga trip ang Westlife. I mean hindi naman pangit ang mga kanta and I respect their taste, it's just that hindi ko trip.
yeojacosmos
![](https://img.wattpad.com/cover/333757591-288-k578661.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love, Shane
FanficA WESTLIFE FANFICTION Avery's experience to a Concert of Westlife.