Pagdating ni Mama sa table namin ay nagsimula nang mag-serve ang waiter. Kumain kami nang kumain habang nagtatawanan at nagkwe-kwentuhan.
“Hay, salamat! Hindi man ako mapupunta sa concert ng Westlife mamaya, naging masaya naman ang gabi ko nang dahil sa inyo,” nakangiting sabi ni Mama habang nagpupunas ng bibig.
“Hindi mo sure. . .” Bethany paused because I kicked her lightly under the table. “Feeling ko mapupunta ka sa panaginip mo mamaya!” Pagpapatuloy niya sa kanyang sinasabi, sabay-sabay kaming humagalpak kakatawa dahil doon.
Nakahinga ako nang maluwag, everything is aligned. Aligned sa plano namin. Tumayo ako para kunin ang regalo. Bumalik ako sa table namin habang buhat-buhat ang isang napakalaking box.
“Pwede naman kitang kantahan, Ma,” sabi ni Papa at tumikhim pa.
“I'm never gonna say goodb—.”
“Pa, tama na! Jusmiyo first line palang wala ka na sa tono,” sabi ni Mama at humawak pa sa kanyang ulo na parang umaaktong kunsumido. Tumawa kami ni Bethany habang si Papa naman ay bumusangot.
“Wow, ano 'yan?” Tanong ni Mama at tinakip pa ang kanyang mga kamay sa kanyang bibig nang ilapag ko ang malaking kahon.
“Buksan mo na, Ma,” nakangising sabi ni Papa. Nagkatingan kaming dalawa ni Bethany habang nagpipigil ng tawa. Excited na binuksan ni Mama ang regalo. Nang mabuksan niya iyon ay panibagong kahon ang nakuha niya.
Hindi na namin napigilan ang tawa namin. Nagtawanan kaming tatlo nina Papa at Bethany. Si Papa ang naka-isip na ilagay namin sa maraming kahon ang regalo ko na pagkaliit-liit.
“Ayoko na! Pinaglololoko niyo lang ako,” sabi niya at binato nang mahina ang kahon na pinanggalingan ng maliit na kahon na hawak niya ngayon.
“Isa na lang 'yan, buksan mo na Ma,” I said and I even wiggled my eyebrows. Inirapan niya ako at padabog na binuksan ang kahon. Kinuha niya ang sobre mula sa kahon. Binuksan niya iyon habang nagsasalita.
“Siguraduhin mong pera ang lam—,” natigil sa pagsasalita si Mama nang mabasa ang nakasulat sa maliit na papel. Her eyes went misty. She sat down because her legs were shaking.
“Huy tara na, baka hindi mo maabutan ang concert ng Shane Filan mo!” Pabirong sabi ni Papa at tinulak pa nang bahagya si Mama.
“Inubos ko savings ko ha, para makabili ng VIP tickets!” I said, biglang tumayo si Mama at niyakap ako.
yeojacosmos
![](https://img.wattpad.com/cover/333757591-288-k578661.jpg)
BINABASA MO ANG
My Love, Shane
FanfictionA WESTLIFE FANFICTION Avery's experience to a Concert of Westlife.