My smile faded. I hugged her tightly. Na-realize ko na worth it gastahin ang savings ko sa concert tickets dahil natuwa naman si Mama. I'll do anything to make my mom happy.
Nang humiwalay ako sa yakap ay nagpunas siya ng luha niya. Natawa ako dahil first time ko lang makita si Mama na umiiyak dahil sa sobrang saya.
“Okay lang kahit sobrang daming kahon ang binuksan ko dahil ito naman ang laman.” Nagtawanan kami dahil sa sinabi ni Mama.
“Ano pang hinihintay mo, tara na! Ihahatid ko na kayo!”
• – • – ♪ – • – •
♪ To see you once again, my love
Overseas, from coast to coast
To find a place I love the most
Where the fields are green
To see you once again
My love ♪Sabay na kanta namin ni Mama. Sobrang lapit namin sa stage. Parang sa posisyon namin ni Mandy noong nag-concert ang Westlife sa Cebu. Naiyak ako nang bahagya pagkatapos nilang kantahin ang My Love dahil favorite song ko 'yon.
“AYAW MO PALA NG WESTLIFE AH, PERO BAKIT MAS MALAKAS PA ANG PAGKANTA MO KAYSA SA AKIN?” Sigaw ni Mama sa tainga ko dahil sobrang lakas ng boses ng mga tao rito sa concert.
“AKIN SI SHANE FILAN!” Sigaw ko pabalik. Bago pa siya makasagot ay kumanta na ulit ang Westlife.
♪ Just a smile and the rain is gone
Can hardly believe it, yeah
There's an angel standing next to me
Reaching for my heart ♪Halos pasigaw na ang pagkanta ni Mama. Napatitig lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung anong kanta ang kinakanta ng Westlife ngayon.
I can see the light in her eyes while staring at the four boys in front of us. Pumikit siya na parang ninanamnam ang bawat lyrics ng kanta. Medyo madilim ang paligid pero napansin ko ang pagtulo ng luha sa kanyang pisngi. Tears of joy, I guess?
♪ I lay my love on you
It's all I wanna do
Every time I breathe I feel brand new
You opened up my heart
Show me all your love and walk right through
As I lay my love on you ♪• – • – ♪ – • – •
“Sobrang nag-enjoy ako,” she said. It looks like she's still on cloud nine. Binagsak niya ang sarili niya sa upuan, naupo rin ako sa tabi niya. It's exact twelve am, tapos na ang birthday niya.
Sina Papa at Bethany ay natutulog na. Nag-taxi na lang kami pauwi ni Mama dahil medyo late na natapos ang concert.
“Ma, may isa pa akong regalo,” napadilat si Mama dahil sa sinabi ko.
“Meron pa?” Gulat na sabi niya habang nakangiti. Mukhang hindi siya napagod sa concert kanina.
I took the album wrapped in a birthday wrapper and gave it to her. Binuksan niya iyon at para siyang napipi nang makita ang album. Napatakip siya sa kanyang bibig at tumili na parang teenager.
Kaya lang biglang nabago ang expression niya at kumunot ang kanyang noo. Kinabahan ako dahil parang alam ko na ang sunod na mangyayari.
“Teka, paano ka nagkaroon ng ganito?”
“Ah eh ano, medyo napunta kami ni Mandy sa concert nila noon sa Cebu heheh—aray!” Napasigaw ako dahil sa pagkurot niya sa tagiliran ko. Agad kong tinakpan ang bibig ko dahil baka magising sina Papa at Bethany.
“Pasaway kang bata ka, hindi ka nagpapaalam!” Seryosong sabi niya habang nakatingin sa album niya tapos biglang tumawa habang niyayakap niya iyon. Kulang na lang halikan na niya ang album na hawak niya.
Hala, na-mix emotion na si Mama! Bipolar na yata?
yeojacosmos
BINABASA MO ANG
My Love, Shane
FanfictionA WESTLIFE FANFICTION Avery's experience to a Concert of Westlife.