Naidlip ako sandali pero nagising din dahil sa tunog ng cellphone ko. It's Mandy Cortez, my best friend. Sinagot ko ang tawag niya.
“Averyyy! Avery Dela Cruz! Aaack! Kita tayo, may sasabihin ako sa 'yo! As in right now na!” Sigaw ni Mandy sa kabilang linya gamit ang kanyang matinis na boses. Nailayo ko sa tainga ko ang cellphone dahil sa sobrang lakas.
She even called me with my full name, huh? Usually, nangyayari ang mga ganitong pangyayari kapag excited na excited siya.
“Okay, text ka na lang kung saan tayo magkikita.” Sinagot niya 'ko ng tili kaya binaba ko na ang tawag kasi feeling ko mabibingi na 'ko dahil sa kanya.
Mandy:
Bad ka ha 😡😢
Binaba mo agad e hindi ko pa nasasabi kung bat ako masaya ng super 😭
Ganito kasi
Avery:
anong ganito?
Mandy:
Kasi ganto
Avery:
ANO NGA!?
Mandy:
BEH NASA CEBU ANG WESTLIFE!!!!! 😍😭😍😭
Agad kong binaba ang cellphone at nagtatakbo papunta sa sala. Agad na hinanap ng paningin ko si Mama. Walang tao sa sala kaya dumiretso ako sa kusina. Naabutan ko si Bethany na umiinom.
“Bunso, si Mama?”
“Ate, nagpapahinga sila ni Papa sa kwarto nila.”
Nagpasalamat ako sa kanya at dali-daling umalis sa kusina. Nagkukumahog ako sa pagtakbo papuntang kwarto nila. Naabutan kong nakapikit at nakanganga si Mama. Naghihilik pa siya pero binalewala ko iyon at saka niyugyog siya nang niyugyog.
“Ma! Mama! Ma!” sigaw ko.
“Bakit ba! Bruha ka nakita mong nagpapahinga ako.”
“Mama nasa Cebu ang Westlife! Bilisan mo, simulan mo nang lumangoy!” Nakangising sabi ko at pinalo siya nang mahina sa balikat. Sinimangutan niya ako at pumikit uli.
“Gusto ko ngang magpunta, wala namang pera,” seryosong sabi niya. Agad na bumagsak ang balikat ko dahil sa sagot niya. I was just wanna tell her na nasa Pilipinas ang Westlife and I was just joking. Wait, so ibig sabihin alam na niya?
“Hayaan mo na, sa susunod na concert ng Westlife sa Pilipinas ay pupunta talaga ako. Sa ngayon ay sa panaginip muna.”
Tinitigan ko lang siya at hinihintay na dumilat. Ilang minuto na siyang nakapikit. Imbes na dumilat ay naghilik siya at napanganga uli. Ang bilis niya talagang makatulog.
yeojacosmos

BINABASA MO ANG
My Love, Shane
FanfictionA WESTLIFE FANFICTION Avery's experience to a Concert of Westlife.