Wangis sa Panaginip

26 7 12
                                    

Part 1
(HOPES)

Isang pangyayari
Na sa isipa'y 'di mawaksi
Habang ako'y nakapikit
Mukha mo ang naka-ukit

Kahit binabangungot
'Di ako makaramdam ng takot at lungkot....

Ngunit paggising sa umaga
Wangis mo'y 'di ko na maalala
Inaalalang kong pilit kahit pagkahilo lang ang kapalit...

Laging dinadalangin na ika'y mahagip
Ng paningin kahit manlang sa panaginip

Sa panaginip na lang ba kita makikita?
Sa panaginip na lang ba kita
makikilala?
Ilan lang 'yan sa tanong sa'king isipan
Mga tanong na parang hindi na masasagot
kailanman.

Ako'y nanlulumo habang nagsusumamo
Na ika'y muling masilayan ko,
Ilang araw ang aking hinintay
Ngunit tila wala parin namang saysay...

Hanggang sa isang gabi
Ika'y nakita kong muli
Hiniling na ika'y totoo
Ngunit hindi, dahil pagmulat ko wala kana sa tabi ko.....

•LakeSalvation•

Hopes and DreamsWhere stories live. Discover now