Feb-Ibig na kaya 'Yan

16 5 0
                                    


Part 4
(dream came true)

Ako ay isang binibini
Na ayaw mabighani,
Binibining nais ng katahimikan
Ngunit nawalan ng ninais na kapayapaan.

Dating walang pake sa mga ginoo sa paligid ko,
Ngayo'y gulong-gulo ang buong sistema ko.

Mula nang ika'y nasilayan,
Nagsimula na akong maguluhan,
Hindi alam kung kailan nagsimula ang nararamdaman,
Pero 'pag ika'y nariyan, tila ako'y nabubuhayan.

Ngunit ang siyang nadarama ko'y biglang naglaho,
Nang malamang may babae ng bumihag sa'yo.

Gusto kong magluksa,
Pero para saan pa?
Hindi mo naman alam na 
GUSTO KITA.

Sa araw ng mga puso
Ako'y nasa tabi at nanlulumo,
Ngunit agad napalitan ng kasiyahan,
Dahil umamin ka sa'kin ng 'di ko inaasahan.

Nagluksa-luksa pa ako,
Ako lang pala ang nakabihag sa puso mo.

•LakeSalvation•

Hopes and DreamsWhere stories live. Discover now