Paalam

4 5 0
                                    

( Part 6 )   

Kaibigan, kumusta ka na?
Ilang taon narin pala ng huli tayong nagkita,
Naaalala mo pa ba ako?
O ibinaon mo na ako sa nakaraan mo?

Gusto kong magtampo
Pero kilala mo pa ba ako?
Napakarami kong gustong itanong sayo
Tulad ng bakit iniwan mo ako?

Ano nga bang naging problema mo at bakit kailangang humantong pa sa ganito?

Dapat sinabihan mo ako, malay mo makatulong ako.

Palagi kang nariyan satuwing  ako'y may problema at ako'y nasasaktan,
Pero noong ikaw ang may kailangan, agad mo akong nilasan ng walang paalam.

Napaka-makasarili mo!
Bakit hindi mo sinabing may taning na pala ang buhay mo,

Napakadaya mo naman,
Hindi man lang kita nasilayan bago ka tuluyang lumisan.

Kaibigan pangako, itutuloy ko ang pangarap mo at ito'y iaalay ko sa'yo,
Paalam mahal kong kaibigan.....

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hopes and DreamsWhere stories live. Discover now