OLIVIA POV
"Anak, kanina ko pa naririnig yang alarm mo ah." rinig kong sabi ni Nanay mula sa labas ng kwarto ko. narinig kong kumatok spa sya habang hinihintay ang sagot ko. "Anak? Gising na kung aalis ka ng maaga." dagdag pa niya sabay bukas sa pinto ng kwarto ko.
Hindi ako sumasagot sa kanya bagkus ay nanatili kang akong nakatulala sa kawalan. Hindi ko talaga maisip kung paano ako na punta sa ganitong sitwasyon, kaya pala ni isang maliit na pabor noon ay walang hiniling sa akin si Mr. Santoralba, dahil gugulatin niya ako sa isang malaking pabor.
"Olivia, anak.." tawag sa akin ni nanay, umupo sya sa tabi ko. hinawakan niya ang kamay ko at saka nag tanong. "Anak, hindi ka yata natulog, may problema ka ba? may gumugulo ba sayo?" malumanay na tanong ni nanay.
Bumuntong hininga ako at saka nag salita.
"Nay.." panimula ko, tumingin ako sa mga mata niya, "Naaalala mo pa ba yung yung araw na bago ako umalis papuntang abroad para mag-aral?" tanong ko, tumango si nanay at hinintay ang susunod kong sasabihin. "May sinabi ako sayo na trabahong gagawin ko pag balik ko dito.." dagdag ko pa.
"Si Mr. Santoralba, naniningil na siya, tama ba?" malumanay na tanong ni nanay. malungkot akong tumango sa tanong niya bilang tugon. "Anong kapalit ng pag tulong niya? pagpapakasal mo?" tanong pa niya, ramdam ko sa tono niya ang inis.
"Nay, alam mo kung gaano ko kayo kamahal ng mga kapatid ko, diba? alam mo na lahat gagawin ko para maging maayos lang ang buhay natin." sabi ko, narinig ko siyang bumuntong hininga at nag iwas ng tingin.
"Alam ko 'yon. pero anak masyado naman yatang malaki ang hinihingi niyang kapalit, ang pagpapakasal ay hindi parang mainit na kanin na isusubo mo at iluluwa mo kapag na paso ka." nag-aalalang sabi niya sa akin. "Naisip ko na ito noon pero mas inisip ko ang magiging kinabukasan mo kapag nakapag tapos ka ng pag-aaral pero hindi ko alam na gagawin nga talaga ito ng matandang 'yon, paano niya na isip na sa edad niyang 'yon, mag-aasawa pa siya ng bente anyos na katulad mo?! Alam kong marami siyang naitulong sa atin, at habang buhay kong ipagpapasalamat 'yon pero inayos ba niya ang buhay natin para sirain naman ang sayo? Hindi naman ako papayag sa gusto niyang mangyari. Wag kang mag-alala, Anak. Ako na ang kakausap sa Mr. Santoralba na yan." inis na sabi ni Nanay.
"Nay.." awat ko sa kanya, tumingin siya sa akin. "Hindi po siya ang pakakasalan ko." mahinahon na sabi ko.
"Huh?! Eh sino?" takang tanong niya.
"Yung apo niyang may Autism." sagot ko. napanganga si nanay sa sinabi ko.
"M-may Autism?" gulat natanong niya. tumango lang ako bilang tugon. "Autism? ito ba yung parang normal tingnan pero parang bata mag-isip, magsalita at kumilos?" tanong pa niya.
"Opo." sagot ko
"Eh talagang ngang nasisiraan na ng ulo yang matandang yan. Bakit ka naman niya ipapakasal sa Apo niyang may Autism?" inis na sabi ni nanay, "Inalok ka ba niya ng malaking halaga para lang pakasalan ang apo niya?" tanong pa niya, hindi ako sumagot dahil masyado ngang malaki ang halagang kapalit kapag pinirmahan ko yung kontrata. "Anak, hindi kita pinalaking oportunista kaya kahit magkano pa yan, kahit gaano pa kalaking halaga ang inaalok sayo nyang Mr. Santoralbana yan, wag na wag kang papayag. Ano sila sinuswerte? Masyado ka pang bata para masira ang buhay mo." madiin na sabi niya.
Buong magdamag kong pinagisipan ang isasagot ko pero wala akong sapat na rason para tumanggi. Hindi dahil sa laki ng ibibigay niyang halaga sa akin kundi dahil sa utang na loob at maayos niyang kahilingan. Kahilingan ng isang matandang may taning na ang buhay.
"Nay, maayos pong humingi ng tulong sa akin si Mr. Santoralba." mahinahon na sabi ko.
"Humingi ng tulong? Bakit? Para saan? takang tanong niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/334003652-288-k8282.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to a Autistic Billionaire
RomanceWhen Maria Olivia Ojales accepted the Financial Support for her to finish her college degree that Enrico Santoralba a billionaire old man offered to her, Olivia did not know that her life would suddenly change beyond what she had imagined. She did a...