OLIVIA P.O.V
It's been a week simula noong huli kong makita at makasama si Yohan. It's been a week na din noong huli kaming magusap ni Mr. Santoralba. That day, pumunta ako sa office niya para kunin yung bagong kontrata ayon sa mga kundisyon na hiningi ko at may nakita akong babae sa loob ng office niya. Hindi niya iyon pinakilala sa akin pero may kontrata rin siyang binabasa.
Natutuwa akong hindi niya ako kinukulit o minamadaling pirmahan ang kontrata para makapag-isip ako ng husto.
"Kaya lang bakit ganito ang nararamdaman ko? Iba ang pakiramdam ko sa pananahimik niya. Ano kayang pinaplano niya? Sino yung babaeng nasa office niya? Anong binabalak ni Mr. Santoralba?" mga tanong na bumabagabak sa akin nitong mga nakaraang araw.
"Kumusta na kaya si Yohan?" tanong ko sa sarili ko habang nakahiga at nakatitig sa kisame.
"Eh ano bang pake mo? Ayaw mo rin naman pakasalan yung tao." pambabasag sa akin ng isip ko.
"Gusto ko lang naman kumustahin yung tao, kailangan pakasalan agad?" reklamo ko sa sarili ko.
Para na akong baliw dahil kinakausap ko na ang sarili ko.
"Kung ayaw mong pakasalan si Pogi, wag mo na lang syang pakialaman, kawawa naman yung tao." pambabara pa sa akin ng isip ko.
Napasimangot na lang ako.
Maya-maya pa ay narinig kong kumakatok si Nanay sa labas ng pintuan ng kwarto ko kaya bumangon ako upang pagbuksan siya.
"Oh, Nay, bakit po?"
Takang tanong ko.
"Anak, nag luto ako ng miryenda, bumaba ka muna para makapagmiryenda ka." nakangiting sabi ni Nanay, hawak pa niya ang sandok at sa amoy na nanggagaling doon ay alam ko ng spaghetti ang niluto niya. "Ay, siya nga pala, eh kasi itong cellphone mo kanina pa ring ng ring. Sagutin mo na nga at baka importante."
dagdag pa ni Nanay sabay abot sa akin ng cellphone ko.
"Sige po, Nay. Salamat po!"
sagot ko tapos ay bumaba na ulit siya. Binuksan ko ang phone ko at nakita kong may text galing sa unknown number.
From: Unknown
"Ma'am Olivia, si Yaya Karing po ito."
"Pasensya na po sa abala.. importante lang po kasi.."
"Pwede niyo po bang bisitahin si Senyorito Yohan ngayon?"
Kumunot ang noo ko sa mga text na natanggap ko mula kay Yaya.
I was about to reply to her text messages pero bigla na lang nag ring ang phone ko kaya dali-dali ko itong sinagot.
"Hello po, yaya Karing, kumusta po? Ano pong nangyayari?" nag-aalalang tanong ko pero lalong kumunot ang noo ko sa mga narinig kong ingay mula sa kabilang linya.
May isang babae ang tila galit na galit na pinagagalitan si Yaya Karing.
"Ya, okay lang po ba kayo dyan? Sino po 'yon?"
BINABASA MO ANG
Married to a Autistic Billionaire
RomanceWhen Maria Olivia Ojales accepted the Financial Support for her to finish her college degree that Enrico Santoralba a billionaire old man offered to her, Olivia did not know that her life would suddenly change beyond what she had imagined. She did a...