OLIVIA's P.O.V
"Wala na po itong atrasan, Nay!" sabi ko kay Nanay habang nakatingin sa kopya ng kontrata. Na ipadala ko na kasi yung original copy sa opisina ni Mr. Santoralba.
"Basta tandaan mo anak kahit anong mangyari nandito lang ako, kami ng mga kapatid mo." sagot niya tapos niyakap niya ako. "Eh, kailan mo balak ipaalam sa mga kapatid mo na magpapakasal ka na?" tanong pa niya.
"Bumwe-bwelo lang ako Nay. Kailangan kong makuha ang approval nila kasi hindi mapapanatag ang loob ko, Nay, kapag walang approval nila. Kailangan ko ng full support niyong tatlo para magawa ko 'to." sagot ko habang ibinabalik sa brown envelop yung signed contract.
"Magpapakasal?"
biglang sabat ng isang pamilyar na boses sa likuran namin ni Nanay.
Sabay pa kaming napalingon sa nagsalita.
"Odelle..." tawag ni Nanay sa bunso kong kapatid.
Kunot noo itong naglakad palapit sa amin at umupo siya sa pagitan namin ni Nanay.
"Ate Olivia, magpapakasal ka na? Bakit? Paano? Eh diba wala ka namang boyfriend? Single ka, Loner pa.. Paanong may nagkagusto sayo?!" dire-diretso niyang sabi kaya napakamot na lang ako ng ulo ko.
Tapos na rinig ko si Nanay na humagalpak ng tawa dahil sa mga pinagsasasabi ng bunso namin.
"Grabe ka naman sa akin, Odelle." kamot ulong sabi ko. "Single lang ako pero hindi naman ako loner. Sobra ka!" natatawang depensa ko sa sarili ko.
"Eeeeeh basta, ayoko pang mag-asawa ka, Ate. Tigilan mo yang kalokohan mo." naka simangot at kunot noo na sabi niya tapos nag cross arms pa kaya napatingin ako kay Nanay.
Iba kasi ang ugali ni Odelle, istrikto siya at masyado siyang attached sa akin. Mabait naman siya, masipag at matalino, kaya lang pag dating sa akin masyado siyang mahigpit. Sa lahat ng mga nagtangkang manligaw sa akin, wala ni isa sa kanila ang in-Approve ni Odelle. Hindi ko alam kung sobrang taas lang ng standards niya o masyado siyang pihikan o ayaw lang talaga niya akong magka-boyfriend. Para siyang padre-de-pamilya dito sa bahay. Tinatawag na nga siya ni Oliver na Tatay Odelle kapag nag-aasaran sila.
Kabaliktaran naman ng ugali ni Odelle si Oliver, sobrang sweet ng lokong 'yon. Makulit, funny, joker ng barkada at palaging full support sa akin. Kung hindi mo siya kilala, iisipin mong Happy-Go-Lucky siya pero sa totoo lang, napaka-responsableng anak at kapatid ni Oliver.
Maswerte ako sa mga kapatid ko kaya naman gusto ko silang bigyan ng magandang buhay pero hindi sa paraan na kailangan kong gumamit ng iba para umangat. Na i-stress ako kapag na iisip kong, iisipin ng mga tao na kaya ko siya pinakasalan ay dahil sa yaman.
"Odelle, makinig ka kay ate ha?!" malumanay kong sabi sa kapatid ko, "Kailangan kasing gawin ni ate ito, kailangan ko silang tulungan at matutulungan ko lang siya kapag nagpakasal ako sa kanya.." mahinahon na paliwanag ko kay Odelle.
"Pero ate....diba may usapan tayo? Mag-aasawa ka lang kapag graduate na ako ng college?!" nagtatampong aniya.
"Huh? Pagka-graduate mo pa ng college?!" gulat na tanong ko.
"Huy! Marcus Odelle, Anong pagka-graduate mo pa ng college mag-aasawa ang ate mo?! Alam mo ba kung ilang taon ka pa lang? 10 years old ka pa lang, anong gusto mong mangyari sa ate Olivia mo, tumandang dalaga?" natatawang sita sa kanya ni Nanay.
"Haynaku! Ang bunso kong kapatid.." sabi ko at pinanggigilan ko ang pisngi niya. "Umiral na naman ang pagiging istriktong tatay mo." dagdag ko pa tapos niyakap ko siya.
BINABASA MO ANG
Married to a Autistic Billionaire
RomanceWhen Maria Olivia Ojales accepted the Financial Support for her to finish her college degree that Enrico Santoralba a billionaire old man offered to her, Olivia did not know that her life would suddenly change beyond what she had imagined. She did a...