CHAPTER 3: FREESIA IN RETURN

72 11 0
                                    

OLIVIA POV

I decided to stay here at Santoralba's Flower Mansion to observed Yohan and to know him more. I have so many What If's in my head right now and I can't just shook them out of my mind.

What if this is just a Prank?
What if  this is just a joke of an old man?
What if may masamang ugali pala si Yohan?
What if hindi pala talaga niya kayang mag handle ng isang malaking kumpanya?
What if hindi ko pala kayang tulungan sila?
What if hindi ko kayang turuan si Yohan?

or What if ma-fall ka sa kanya?

Napahimas na lang ako sa sentido ko ng biglang lumabas sa isip ko ang huling What If na iyon. No, imposibleng mangyari 'yon. Yeah, He's handsome and almost perfect outside pero never kong pinangarap na mag asawa ng isip bata. So, it's a big no for me.

Ginagawa ko lang ito dahil sa utang na loob ko kay Mr. Santoralba, yun lang.

I've set a boundaries between me and Yohan right after the arrange marriage and contract signing and I clearly discussed that to Mr. Santoralba and to his lawyer Atty. Morales earlier.

We don't need to kiss and hug each other lalo na kung hindi kailangan at kung wala namang ibang tao sa paligid. Mahigpit ko ring sinabi na hindi namin kailangan gawin ang mga pribadong bagay na ginagawa ng tunay na mag-asawa katulad ng pakikipagtalik sa isa't-isa, hindi rin namin kailangan magka-anak. Kailangan kong pangalagaan ang sarili ko at hindi ako papayag na ako ang lalabas na dehado sa larong ito.

"Ma'am Olivia, naka handa na po yung guest room pwede na po kayong magpahinga." naputol ang malalim kong pag-iisip ng biglang magsalita si Yaya Karing mula sa aking likuran. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng pilit.

"Salamat po, pasensya na po kayo sa biglaan kong pagdating ng walang pasabi, naabala ko pa po tuloy kayo." sabi ko.

"Naku ma'am Olivia wala po iyon, masaya po kami na nandito kayo. Masaya po si Yohan na makita kayo ma'am, kaya sana po dalasan niyo pa po ang pag bisita dito." nakangiting aniya kaya bahagya akong nakaramdam ng hiya.

"Baka nga po dumalas na ako dito, di po ba ako makakaabala sa inyo? O kaya kay Yohan?" nahihiyang tanong ko.

"Hindi po ma'am mas makakabuti nga po para kay Yohan na may nakikitang ibang tao dito sa bahay para masanay siya." tugon nito.

"Mas makakabuti para kay Yohan? Ano pong ibig niyong sabihin?" curious na tanong ko

"Yun po kasi ang advice sa amin ng Doctor niya. Eh, mas makakabuti daw po kay Yohan kung masasanay siya na may ibang tao bukod sa amin na nakasanayan na niya na paunti-unti hanggang matuto siyang makipaghalubilo sa iba." sagot ni Yaya kaya mas lalo akong na cu-curious kay Yohan.

"Bakit po? Hindi po ba siya sanay sa ibang tao?" takang tanong ko. "Pero kung titingnan naman po siya mukha pong kaya niyang humarap sa iba." sabi ko per binigyan lang ako ni Yaya ng malungkot na ngiti at umiling ito sa akin.

"Sa unang tingin po siguro, Oo. Pero kung makikilala niyo pa po si Yohan, takot siya sa iba. Noong bata pa po kasi siya palagi siyang tampulan ng mga panunukso ng ibang bata, tinatawag siyang "Yohan sintu-sinto" ng mga ibang kamag-aral niya." pagku-kwento ni Yaya.

Bahagya akong nakaramdam ng awa para kay Yohan. Sa murang edad niya, maaga na siyang sinubok ng mundo. Una sa kalagayan niya, pangalawa sa panunukso ng iba.

"Grabe naman po pala yung childhood niya." sabi ko at saka bumuntong hininga.

"Pero mabuti na lang po may naging best friend si Yohan noon sa school na pinasukan niya. Yun po ang madalas na magtanggol sa kanya laban dun sa mga nambu-bully sa kanya." nakangiting aniya.

Married to a Autistic BillionaireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon