Chapter Six

3 0 0
                                    

CHAPTER SIX-FIRST DAY OF DUTY

Sapo ang sobrang sakit na ilong na pinirmahan niya ang kontrata. Ayon doon ay wala nga siyang gagawing iba maliban sa pagbabantay kay Rhysand at siguraduhing ligtas ito sa kahit anong kapahamakan, which is she just violated the first time they met. Kompleto din ang mga government mandated benefits niya like SSS, PAG-IBIG, and Philhealth. Magkakaroon din siya ng two days leave every month at libre na lahat pati mga pagkain at iba pang basic needs na kakailanganin niya. She's fine with everything in the contract maliban lang sa isa- she will deal the consequences once na hindi niya mapapatino si Rhysand sa loob ng isang linggo. Ayaw na sana niyang pirmahan kaso nang makita niya na kapag nagawa niya ay tumataginting na kwarenta mil na ang magiging sahod niya ay agad niyang nilagay doon ang kanyang signature. For the first time in her whole life ay gagawin niya ang isang bagay na labag sa kanyang loob para sa pera.

"You will formally starts tomorrow morning. Set your alarm early para makapaghanda ka na before Rhysand wakes up. He has a class tomorrow. Teacher ang pumupunta rito kaya no need for you to bring him in school." Wika nito nang iabot na niya ang pirmadong kontrata.

"Sige po sir."

"That's all for tonight." Iyon lang at umakyat na ito sa taas. Naiwan siyang mag-isa sa baba na nakatulala. Si Manang Aurora kasi ay inasikaso na muna si Rhysand para matulog na. She thought, this day is her lucky day pero mukhang kabaligtaran ang nangyari sa kanya.

"What have you done, Asper?" mahinang bulong niya sa saili bago binuhat muli ang maleta paakyat sa hagdan. Kung nakakapagsalita lang siguro ang maleta niya ay baka kanina pa ito nagreklamo dahil sa pinaggagawa niya rito.

Pagdating sa magiging kwarto niya ay muli niyang inilagay sa gilid ng kama ang maleta. Hihiga na sana siya sa kama ngunit bigla siyang napatingin sa cabinet. Matalim niya iyong tinitigan at marahang nilapitan. Binuksan niya iyon para masiguradong wala sa loob niyon si Rhysand. Baka kasi nasa kalagitnaan na siya ng pagpapahinga tapos naisipan na naman nitong takutin at gulatin siya. Ni-lock na rin niya ang pinto. Nang nasecure na niya lahat ay pabagsak siyang nahiga sa kanyang kama. Sa dami nang nangyari sa kanya ngayong araw ay kaydali lang para sa kanya na makatulog. Wala nang ligo-ligo, deritso dreamland na kaagad siya.

*****************************************************************

Kinabukasan ay nagising siya dahil sa malakas na katok sa kanyang pinto. Hindi niya iyon pinansin dahil baka si Sister Amanda lang iyon at ginigising na naman siya para manalangin kaya hindi niya iyon pinansin. Ang sarap ng naging tulog niya dahil na rin marahil sa pagod. At isa pa, ang sakit ng kanyang likod kaya ayaw pa niyang bumangon.

"Asperio! Anong oras na!" muli na namang may kumatok sa kanyang pinto. Sa pagkakataong iyon ay may kasama pang sigaw. Napakunot ang noo niya dahil bakit boses matanda ang tumatawag at bakit Asperio ang tawag sa kanya? Kailan pa siya naging si Asperio? "Asperio! Oras na para gisingin mo si Rhysand!" Rhysand? Bakit napakapamilyar ng pangalan na iyon? Saan ba niya narinig ang pangalang Rhysand? Rhysand...Rhysand...

"Sh*t!" napamura siya nang malakas nang maalala kung sino si Rhysand at kung bakit siya nito tinatawag na Asperio. Napangiwi siya nang bumalikwas siya ng bangon ngunit hindi na niya iyon pinansin. Mabilis niyang isinuot ang natanggal na wig dahil sa pagtulog bago binuksan ang pinto.

"Asperio! Hindi ka ba nagpa alarm para magising ka nang maaga? Alas sais na at kailangang nakabihis na si Rhysand ng alas syete. Alas nuwebe pumupunta rito ang teacher niya."

"Pasensya na po, Manang Aurora. Napasarap po kasi ang tulog ko eh," nakakamot sa ulong wika niya rito.

"Sige na, puntahan mo na siya sa kanyang kwarto at gisingin. Nakapagluto na ako ng agahan sa baba." wika nito sa kanya na nauna nang maglakad at tumungo sa kusina.

The Deceiver's TalesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon