CHAPTER SEVEN
"Hey, how's the lesson?" masigla niyang tanong dito pero hindi siya nito pinansin. Nilagpasan lang siya nito at dumeritso sa hagdan paakyat sa kwarto nito. Nagkibit balikat na lang siya na sinundan ito.
"What are you doing here? Are you my shadow?" pasuplado nitong tanong sa kanya. Pinakalma niya ang sarili. Ayaw niyang mainis dito dahil ang goal niya ay ang hulihin ang loob nito because they shared the same traumatic experiences in the past. Good thing at nalaman na kaagad niya ang tungkol doon as early as possible dahil kung hindi baka mas lalong lalaki ang gap nilang dalawa.
"Hindi ba pwedeng kumustahin kita?"
"I don't need your concern."
"Ang suplado naman. Nagtatanong lang eh." Kunot ang noong tinitigan siya nito na para bang sinisigurado kung siya ba talaga ang kaharap nito o hindi.
"Are you the slenderman's doppelganger?" napasimangot siya dahil dinagdagan na naman nito ang tawag sa kanya pero agad ding ngumiti ulit.
"What do you want to eat huh?"
"I don't want to eat anything."
"Sige na, I'm pretty sure na gutom ka na kasi nakakapagod ang mag-aral right?"
"Why do you sounds so gay?"
"What?" natigilan siya. Pinapalalaki naman niya ang boses niya ah. "Bakit mo naman nasabing I sounds like a gay?"
"Because you are."
"I'm not," salungat niya sa sinabi nito.
"Yes you are!"
"Fine. Say what you want but first, tell me what you want to eat for merienda? Do you want donut, pizza, or cake?"
"I said, I don't want to eat. Can you leave now?"
"Ayaw ko. So, if ayaw mong mag meryenda, ano ang gusto mong gawin? Do you want to play a game? Wala ka namang class this afternoon right?" half day lang kasi ang klase nito at three times a day lang. "Come on," pangungulit niya rito nang tiningnan lang siya nito.
"You're so makulit."
"Do you want to play hide and seek?" saglit itong natigilan. Biglang nalungkot ang anyo nito na tila ba may naalalang masayang alaala. You know, sometimes your happiest memories could bring the most in explainable pain in you and that's what she saw in Rhysand's face at the moment. "Hey, are you okay?" nag-aalalang nilapituan niya ito ngunit binato siya nito ng unan at mabilis na tumakbo palabas. Mabilis naman niya itong sinundan kahit na nagtataka siya sa kung bakit iyon ang naging reaksyon nito.
***************************************************************
"Manang Aurora nakita niyo na ba siya?" kagat ang kukong tanong niya sa matanda. Kanina pa kasi niya ito hinahanap matapos itong mag walk out kanina pero kahit hinalughog na niya ang buong bahay pati na sa labas ay hindi niya talaga ito nakita.
"Wala eh. Nasaan na ba ang batang iyon?" puno ng pag-alala na sambit ng matanda. "Ano ba kasi ang nangyari?" tanong nito sa kanya.
"Wala naman po. Tinanong ko lang siya kung ano ang gusto niyang meryenda pero sabi niya ayaw niya kaya niyaya ko na lang siyang maglaro ng hide and seek pero bigla na lang siyang tumakbo palabas. Nang sinundan ko siya ay hindi ko na siya mahanap."
"Asperio naman." mas lalong bumaha ang pag-aalala sa mukha nito dahil sa sinabi niya.
"Bakit po?' nagtatakang tanong niya. Wala naman kasi siyang sinabi na masama sa tingin niya.
"Talagang sumama ang loob ng batang iyon dahil sa sinabi mong laro. Iyon kasi ang paborito nilang laruin ng mama niya noong nabubuhay pa ito."
"Po?" nanlaki ang mga mata niya sa narinig. Parang gusto niya tuloy batukan ang sarili.
BINABASA MO ANG
The Deceiver's Tales
ChickLitThis story is about Asper whom trying to be invisible from her dad's eye. She pretends to be a nun and ended up pretending to be a man in searching for a job.