Chapter 3

308 5 8
                                    

"MR. Torres! Mr Torres alam kong ikaw iyan. Kayo ang may kagagawan kung bakit ako nandito noh! Bakit naman kasi...tsaka paano niyo nagawang ipasok ako dito?" Ani Klay na tumakbo pa para mahabol si Mr. Torres kasi ito'y papaalis na at tuloy pa din ang pag iyak ng babaeng ginupitan ng buhok na si Lucia dahil hinampas pa din siya ng latigo ng mga guwardiya sibil.

"Hindi ba sinabi ko na sayo kailangan malaman mo ang buong kasaysayan. Dapat matuwa ka pa nga dahil magiging witness ka ng actual at buong pangyayari sa nobelang ito na sumasalamin sa totoong nangyayari sa ating lipunan noong panahon ni Jose Rizal."

"Ha! Sobra naman kayo magturo sir! Ang extreme ah! Dalhin talaga ako sa nobela! Ano po bang kasalanan ko sa inyo? Okay fine, nag copy paste ako. Pero sir! Una sa lahat, hindi niyo ko binigyan ng sapat na panahon para maipasa sa inyo ng maganda ang project ko. Pero okay fine, plagiarism na kung plagiarism pero talaga ganito kalala punishment ko. Sir, please ayaw ko dito, ibalik niyo ako sa mama ko."

"Wala na sa mga kamay ko Ms. Maria Clara Infantes kundi nasa iyo."

"Ano po? Nasa kamay ko! Anong ibig sabihin noon?"

"Ang ibig sabihin kailangan mong malaman ang buong nobela para makabalik ka sa reyalidad sa kasalukuyang buhay mo."

"Sir may pamilya ako! May nanay ako, may kapatid akong umaasa at nag aalala sa akin. Kailangan kong umuwi sa amin sir, hindi ako pwede mag stay dito. Kaya sir magmamakaawa ako sa inyo gagawin ko lahat pabalikin niyo lang ako sa amin ibalik niyo ko sa amin sir sige na!" Ani Klay na hinawakan pa ang mga kamay ni Mr. Torres na na pa upo pa para magmakaawa.

"Maniwala ka Ms. Infantes ginagawa ko ito para sayo para matutunan mong mahalin ang pinagmulan mo ang identity natin as a people at baka...baka magbago pa ang kapalaran mo." Ani Mr. Torres na naka suot rin ng lumang kasuotan at pinatayo si Klay.

"Magbago ang kapalaran ko? Sir anong pakialam niyo sa kapalaran ko! Bakit ba kayo nangingialam sino ba kayo? Diyos? Why are you trying to play Gods sir? Hindi ka diyos ha! Baka mangkukulam? Pero I don't care na gawan niyo nang paraan para maipasok ako dito gawan mo nang paraan para maka alis ako dito. Gusto ko nang umuwi sa amin." Ani Klay na biglang napatitig kay Mr. Torres.

VISION...

"Good morning sir Smith, how are we doing today?" Ani Klay sa kaniyang pasiyenteng foreigner na nakahiga sa hospital bed kasi siya ay isang nurse.

"Good morning!"

"Ah!"

"I'm okay!"

"You feel not so well. Alright! Let me check your temperature." Ani Klay na nilagay ang thermometer sa pasiyente na nahihirapan pang magsalita dahil sa iniindang sakit.

"Okay I hope you're not from Philippines. My ex wife is a Filipina. She was a scam."

"Oh!"

"Ah! Where are you from?"

"Ahm! Me? Ah ah I...I'm from Thailand. Sawadika!"

"Are you sure? You look like a Philippine."

"Hahaha no no no sir! Hahaha I'd rather die than be a Filipino."

"Hahaha come on! Hahaha"

"Hahaha"

END OF VISION...

"Nakikita ko ang hinaharap mo sinasabi ko na nga ba magagaya ka rin sa iba ikinahihiya mo rin ang pinagmulan mo at hindi ka masaya Ms. Maria Clara Infantes. Ginagawan kita ng pabor malay mo balang araw pasasalamatan mo ako." Ani Mr. Torres.

Maria Clara at IbarraWhere stories live. Discover now