Chapter 12

37 2 0
                                    

MAALIWALAS ang labas ng bahay ni Crisostomo Ibarra.

"Senyor, kaano-ano niyo ho ang mabait na senyorita? Mag-asawa ho ba kayo?" Ani Crispin at tinakpan naman ni Basilio ang bibig nito at napadilat naman si Klay sa kaniyang mata habang umiiling at si Crisostomo Ibarra naman ay parang pepe na hindi makasalita.

"Ano ka ba Crispin. Tumahimik ka nga nakakahiya ka. Paumanhin ho sa inyo. Pasensya na po sa kapatid ko." Ani Basilio kay Crispin at tumayo at sila naman ni Klay at Crisostomo Ibarra ang kinausap niya at umupo rin siya pagkatapos.

"Hmmm! Hmmm! Nag-imagine. Sandali lang po. Halika dito. Ikaw talaga hindi lang ako mabait, maganda din ako. Hmmm! Uminom ka ng tsokolate mo." Ani Klay kay Crisostomo Ibarra at lumapit kay Crispin at inayos ang damit nito sa may siko habang nakaupo at kinikilig na lumingon kay Crisostomo Ibarra.

"FRAILE, mawalang galang lang ho ngunit hindi ho yata makatarungan na husgahan niyo si Ibarra dahil lamang nagtanong siya sa inyo sa mga naganap sa kaniyang ama." Ani Maria.

"Nagtanong lang? Hindi ba't hinawakan niya ako sa aking balikat ng mariin. Hindi ba 'yon pagkawala ng galang? At pananakit?" Ani Padre Salvi na napakampay pa ng kaniyang kamay at napahawak ng mahigpit su Maria Clara sa kaniyang dalawang kamay na magkadaop.

"Kung ganoon ho ay ako na ho ang humihingi ng paumanhin Padre. Unawain niyo na lamang ho ang aking nobyo. Lalo na't nasaktan ho siya sa mga nalaman niya hinggil sa bangkay ng kaniyang ama." Ani Maria at lumuwag rin ang paghawak niya ng kaniyang mga kamay.

"Ahm marahil kung...kung tayo po ang malagay po sa ganiyang katayuan. Sasama din po ang loob natin 'di ba po kura?" Ani Tiya Isabel.

"Ngunit ako ay isang kura!" Ani Padre Salvi.

"Ho! Isa ho kayong mabuting kura na may mabuting kalooban at pusong mapagpatawad. Kaya ho batid ko ho na mapapatawad niyo ho ang aking kasintahan at bibigyan ng unawa. Tatanawin ko ho na malaking utang na loob kung ako'y iyong pagbibigyan, mahal na kura? Maraming salamat ho, Padre." Ani Maria Clara at pinaubaya ang kamay nito upang hawakan ang kamay ni Padre Salvi upang halikan ito at umalis na sina Maria Clara at Tiya Isabel pababa ng hagdan at may katulong din na babae at lalaki ang bumaba ng hagdan at tumango naman ang babae kay Padre Salvi bago ito bumaba at napahawak naman si Padre Salvi sa kamay kung saan hinalikan ito ni Maria Clara at pinagsaklop niya ang kaniya kamay at idinampi sa kaniyang pisngi na tila sabik na sabik sa ginawa ng dalaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Maria Clara at IbarraWhere stories live. Discover now