Vote required LOL
-LOVE 3-
Sino siya bakit niya kinakausap si Chris? Hindi ako pwede magkamali na si Chris yun kahit pa mukhang naka-tungo sila sa angulo ko. Bakit mukhang masaya siya? Hindi ko na nakitang ganyan kasaya si Chris matapos ang 6th monthsary namin. Espesyal ba sya kay Chris? Dumadagsa nanaman ang pagdududa at mga tanong sa utak ko tangna.
Agad akong bumaba sa hagdan para konprontahin siya ngunit nang malapit na ako sa kanila ay naalala ko ang sinabi ni Chris na huwag na huwag kami mag-away sa harap ng maraming tao at pangko ko yun. Ayokong magalit ang mahal ko. Napakasakit titigan na hindi na sayo nagmumula ang mga ngiting 'yon sayo kundi sa ibang tao na.
Tumakbo ako papunta sa ladies room at sa isang cubicle 'don ay nag-iiyak nalamang ako. Nagpapakatanga ba ako? Hindi nagpapaka-martir ako. Hindi ko kayang isipin na iiwan niya ako. Matapos ang lahat? Lahat ng tiwala at effort ko para sa kanya? Hindi, hindi ako papayag.
Lumabas ako ng cubicle at inayos ko ang sarili ko sa harap ng salamin. "Hindi ako magpapatalo." Bulong ko sa sarili ko. Lumabas ako ng ladies room at nakasalubong ko sya.
"Palagi ka nalang umiiyak. Sayang maganda ka panaman. Crush..." Hindi ko siya naintindihan dahil sa mga kalalakihang nagsigawan patakbo sa hallway. Ako ba kinakausap niya? Diretso ang tingin niya habang nagsasalita kaya siguro hindi ako ang kausap ng Zane na yun. Pero kaming dalawa lang ang nasa hallway kanina bago dumating yung mga lalaki. Tsk abnormal na ba sya?
--
Pabalik na ako sa classroom nang makita ko si Chris sa tapat ng classroom ko. Hinahanap niya ako. Ang saya ko. Nilapitan ko sya.
"Chris bakit narito ka? Wala kang gagawin?" Panimula ko sa usapan namin pero mukhang nagulat siya na makita ako, may itinatago ba sya? Siguro nagulat lang talaga siya dahil gamit niya ang phone niya bago ako magsalita.
"Ah eh Charie katatapos ko lang sa clearance ko. Ikaw?" Naalala ko yung babae kanina.
"Tapos nadin ako at..." Lumungkot ang mukha ko.
"Oh bakit?" Nag-alala siya bigla at mas lumapit sa akin.
"K-kasi... may nakita akong babae na kasama mo kanina." Tumungo ako dahil sa lungkot.
"Ah yun ba? Freshman yun nagpatulong lang sa clearance niya baguhan eh haha." Nagliwanag ang mukha ko at muli niya akong pinangiti.
"Sige Charie ibibigay ko muna itong clearance sa tropa ko." Tumango ako at pumasok na sa classroom ko.
Nagbilang ako ng limang segundo at sumilip ako sa labas para sulyapan si Chris. Nakita ko siya at may tinatawagan ang mahal ko. Isang tanong ang nabuo sa isip ko.
Sino ang kausap niya?
Inisip ko nalang na baka tinatawagan niya ang kaibigan niya para ibigay ang clearance niya. Ayoko na mag-isip at magduda.
---
•°•°Djhemishere•°•°
