Vote required XD (DEMANDING)
-LOVE 2-
"Patawarin mo ako Charrie naghanap pa ako ng magandang bulaklak para sayo and this." Inabot niya sa akin ang isang paper bag.
"Ano 'to?" Maligayang maligaya ako sa effort niya.
"Sorry 'yan lang nakayanan ko pero dahil mahal kita binili ko talaga 'yan kahit allowance ko ang kapalit."
Lalong tumindi yung pagmamahal ko para sa kanya na sa bawat araw siya ang isinisigaw ng puso at isipan ko...
But that happy moment was three weeks ago. Nagsimula nanaman ako mag-expect sa wala. Hindi na ako nakakatanggap ng tawag niya sa gabi at "goodmorning" na texts sa umaga. Naging madalas ang pagkikita namin dahil sa naging busy sya at ako dahil final exams na ngayong first sem. Nagsimula nanaman ako masaktan at lumuha sa gabi. May nagawa ba ako? Siya ano nagawa nya at labis akong nasasaktan? Miss ko na yung mga yakap nya, yung mga sweetness namin sa tuwing pumupunta siya sa bahay ko. Wala akong ma-review dahil nag-worry ako sa kanya. Kung ano ba ang ginagawa niya, naiisip pa ba niya ako? Sinusubukan ko siyang tawagan at itext ngunit walang sagot na dumating.
"Ilabas mo lang yan bhes." Iyak ako ng iyak sa harap ni Janna habang yakap yakap ko ang teddy bear na laman ng paper bag na regalo ni Chris last monthsary namin.
"May problema ba sa 'kin Janna? Bakit ako lang ang nasasaktan? Nasasaktan din ba sya sa nangyayari sa amin?" Gusto ko ng kasagutan.
"Maghintay ka lang ate Charie, malay mo nag-aaral lang talaga siya ng mabuti. Ayoko nga ng course na engineering eh dahil alam ko sunugan talaga ng kilay 'dun intindihin mo nalang."
Kinabukasan sa school ay naka-tunganga nanaman ako. Nasaan kaya si Chris? Pinuntahan ko sya sa classroom nila ngunit lumabas daw siya sabi ng mga classmates niya.
"Baka may pumasok na langaw sa bibig mo." Nabwisit ako sa narinig ko.
"Paki mo ba?!" Sya nanaman yung matangkad na lalaki sa canteen.
"Napaka taray mo talaga pero malambot parin ang puso mo." Dinampi niya ang daliri niya sa pisngi ko-lumuha pala ako.
"Lumayo kanga sa akin." Tumayo ako at tumakbo palayo sa kanya.
"By the way I'm Zane!!" Zane ka dyan as if makikipag kilala ako sayo manigas ka.
---
Tatlong araw matapos ang usapan namin ni Janna ay nagkita kaming muli ni Chris. Gusto ko lumuha sa saya dahil hinalikan niya ako matapos siyang humingi ng tawad. Mahal na mahal ko siya kaya pinatawad ko at muli ay tinanggap siya. Muling sumaya ang malumbay kong puso. Muling ngumiti ang malungkot kong mata.
Araw ng Huwebes at natapos ko na magpapirma sa clearance ko dito sa 4th floor ng university building. Gusto ko ng sariwang hangin kaya tumayo ako sa may hallway at nag-enjoy sa view. Tumingin ako sa ibaba at doon ay nakita ko si Chris na naka-upo sa bench ng school park.
May kasamang ibang babae.
---
Told you maikli lang :(
•°•°DjHemishere•°•°
