December 1, 2010
15th Birthday ko ngayon at nandito ako ngayon sa kanto ng lugar namin para sunduin ang mga kakalse ko at mga malalapit na kaibigan ..
Nasa middle class ang estado ko sa buhay , medyo nakakaangat-angat kami at sa pribadong paaralan ako nag-aaral lalo na dahil nagiisa lang naman nila akong anak nila mama at papa
Dahil inip na inip na ako tinawagan ko si Patty ang bestfriend ko . Kung nasaan na sila ..
Nakailang ring palang nang biglang may humablot ng cellphone ko ..
Nagulat ako sa nanyari at mabilis na tumakbo ang snatcher nang may isa pang lalaki ang humabol sa kanya ..
Nasa state of shock pa rin ako . Kaya hindi ko alam ang gagawin ko ..
Nagulat na lang ako, nung yung lalaking humabol dun sa snatcher ay nasa harapan ko na ..
At tsaka niya itinaas ang kamay niya at hawak na niya ang cellphone ko .
"Salamat" sabi ko sa kanya nung inabot sakin ang cellphone ko .
"Okay lang, nagkataon lang na ako ang nandito kaya ako ang tumulong sayo" malamig na sabi niya.
"Ano ka ba , bihira na lang kaya ang taong katulad mo , na hahabulin yung snatcher , yung iba kasi mas pipilitin na lang na huwag makialam .. kaya Salamat ulit " tapos ngumiti ako sa kanya ..
"Magingat ka na lang sa susunod" tapos tumalikod na siya ..
Hahabulin ko pa sana siya kaya lang saktong dumating na ang mga kaklase at kaibigan ko ..
Kaya pumunta na kami sa bahay namin.
Kinwento ko rin Kay Patty ang nangyari . At sayang naman daw dahil hindi ko naman nakilala ..
Kinabukasan papasok na ko pero naglalakad lang ako.
Hindi ko na kailangan magschoolbus dahil dalawang kanto lang ang bahay namin mula sa skwelahan na pinapasukan koNadaan ako sa Court dahil nga umaambon nun .
May mga nagbabasketball at iilang bata . Dahil may pasok malamang .
Pero nung napatingin ako dun sa may hawak nung bola nakilala ko siya ...
Siya yung kahapon yung tumulong sakin ..
Dalawa lang silang nagbabasketball nung sigurong kaibigan niya at kaedad niya lang din ..
Napatingin din siya sakin..
At mukhang nakilala niya ako ..Dahil huminto siya sa pagdedrible nung hawak niyang bola..
Matangkad si Niko at kayumanggi at may itsura din siya .
Pero mukha siyang gangster sa ayos.
Lumapit ako sa kanya ng nakangiti.
Pinasa nya ang bolang hawak niya sa kaibigan niya at lumapit na rin sakin.
Tumango lang siya nung nag'hi' ako.
"Ah about yesterday, thanks ulit" nakangiti kong sabi sa kanya .
"Welcome! " ngumiti lang siya ng matipid.
"Ah Im Mika Leilee Tuazon , ikaw ? " tanong ko sa kanya at nilahad ang kamay ko ..
Tiningnan niya saglit yung kamay ko ..
At pinunasan niya yung kamay niya nung bimpo na nung nasa balikat niya .
Tsaka niya inabot ang kamay ko at sinabi yung pangalan niya .
"Niko Liam Trono" nakangiting sabi niya sakin .
At nagkausap kami ni Niko hanggang sa makarating kami sa gate ng skwelahan ko ..
Nagtitinginan pa sila samin ni Niko .
Pero hindi ko sila pinansin ...Dumaan ang mga araw mas naging close ko si Niko ..
Tuwing uwian ko tumatambay muna ako sa court para makipagkwentuhan sa kanya .
Nalaman ko na rin na ulila na pala siyang lubos . At sa tiya niya na lang siya umaasa at kung minsan nagtatrabaho siya sa mga fastfoods.
Bilib ako kay Niko dahil kinaya niyang mabuhay kahit wala na siyang magulang . Wala rin siyang kapatid kagaya ko ..
Hatid sundo ako ni Niko sa Eskwelahan ko . Nagpupunta kami kahit saan . At aminado akong masaya akong kasama siya ..
BINABASA MO ANG
One Blind Heart (One Shot)
RandomMay kaya si Girl . Mahirap si Boy . Maysakit si Girl . Malusog si Boy . Anong gagawin ni Boy ? This is a sad story so please prepare your tisues (lels ) Please read One Shot lang to :))