Part Eight

3 1 0
                                    

Nagising ako ng si Mama ang nasa tabi ko ..

Hinanap ko agad si Niko ..

"Anak ! Gising kana thank God" sabi ni mama at niyakap ako.

"Ma si Niko ?" Natigil si mama at napayuko .

Kaya kumunot ang noo ko .
"Ma si Niko kako asan po ?" Tanong ulit kay Mama.

Tumitig sakin si Mama at napaluha siya.

Mas lalo tuloy nalukot ang noo ko.

"Ma, bakit ka umiiyak ?" Hindi ko namalayan bigla na lang may luha sa pisngi ko .

"Anak,,,,," umiiling pa si Mama habang umiiyak ..

Kaya tuluyan na kong napaiyak ..

"Ma ano ba ! I dont get you ! " sabi ko kay mama.

Tsaka naman bumukas ang pinto at niluwa nun si papa.

Kaya siya na ang tinanong ko .

"Pa, asan po si Niko?" Tanong kay papa.

"Wala na si Niko anak.." malungkot n a sabi ni papa.

"Wala na si Niko anak"

"Wala na si Niko anak"

"Wala na si Niko anak"

Paulit-ulit na nageecho sa utak ko ang sinabi ni Papa.

Doon ay halos humagulgol na ko sa iyak ..

"PANONG WALA NA SI NIKO ?? KASAMA KO LANG SIYA KANINA PAPA , MAMA!!!" Sigaw ko ng buong lakas . Nagwawala.na ko kaya tinurukan ako ng nurse ng pampatulog.

MIKO ASAN KA BA ??? ...

------
December 31 2015

Nasa harap ako ng puntod ngayon ni Niko .. Umiiyak ..

Dalawang linggo na pala akong nasa hospital pero parang ilang oras lang yun . Dahil bago yun kasama ko pa siya diba ?

Nasabi na sakin ni Mama at Papa mga nangyari .

May SAKIT ako . May BUTAS ang PUSO ko ..

Kaya kailangan palitan ako ng puso . At si Niko .. Siya ang donor ko.

Nagtatanong ako kung bakit ako pa at siya pa ?? Bakit kami ??

Napaluhod na lang ako sa sobrang iyak ...

Nang lumapit si Joey at niyakap ako..

"Alam mo ba nung mga panahon na ako ang kasama mo at hindi si Niko ?" Sabi ni Joey

Napatingin ako sa kanya .

"Nagpakahirap siyang magtrabaho , halos hindi na nga siya umuuwi sa tita nya . Umaga gabi, at madaling nagtatrabaho siya. Dahil wala syang ibang iniisip kundi ikaw .. Kailangan niyang magtrabaho para sa pera pandagdag ng operasyon mo. Isipin mong nagpakahirap siya para mabigyan ka ng pangalawang buhay. At ayaw niyang nakikita kang ganyan kamiserable. Kaya sana maging masaya kana , try to move on and to be happy like he wanted you to do. Dont waste all he've done  ." Sabay nun ang pagtayo ni Joey at binigay sakin ang isang katamtamang laki ng box.

Naupo ako sa gilig ng puntod niya ..
Binuksan ko ang Box at nakita ko dun ang mga pictures naming dalawa ni Niko ..

At isang papel . Binuklat ko iyon at isa pala siyang sulat ..

Hindi ko pa man din nababasa umiiyak na naman ako .....

One Blind Heart (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon