Part Nine

4 1 0
                                    

Dear Mika ,

Una sa lahat Mika , Happy 5th Anniversary Mika . Smile ka naman..
Biruin mo , 5 years na rin tayo sa wakas . Hindi ko akalain na tatagal tayo .. Siguradong wala na ko,ngayon sa tabi mo sa mga oras  na babasahin mo to..Alam mo ba nung una kitang makita , nung naisnatch yung mamahalin mong cellphone? Haha. Hindi ako agad nagdalawang isip na habulin yung snatcher ewan ko rin kung bakit ? Nakakatuwa kasi yung reaction mo nun, hindi ka man lang nagsisigaw o nagtitili gaya ng ibang babae.. Tapos nagulat na lang ako kinabukasan kasi nung nakita mo ko naghai at nagpakilala ka pa sakin. At simula nun gusto na kita ay hindi mahal na pala kita...

Salamat kasi tinggap mo yung alok kong pakikipagkaibigan mo sakin. Masaya ako tuwing magkasama tayo. Salamat kasi hindi ka nagrereklamo kahit san man kita dalhin.. Salamat kasi tanggap mo na kung ano ako . Kung anong estado ko..Salamat dahil hindi mo ako hinusgahan.

December 31 2010 yan ang pinakamasayang araw ko . Dahil naging tayo . Dahil sinagot mo ko . Dahil minahal mo rin ako ..

Sorry nga pala kung nung mga nakaraang buwan kasi di kita nakakasama . Kasi..bukod sa kailangan kong kumita ng pera. Sinusubukan ko na rin na lumayo sayo. Para kung dumating na ang araw na to . Hindi ka na mahihirapang kalimutan ako . Pero antanga ko lang . Kasi dapat pala hindi ko na yun ginawa, imbes na nilalayuan kita sana pala hindi nako lumayo sayo sana pala pinilit kong makasama ka , nasayang lang tuloy yung isang buwan na yun antanga ko kasi sorry Mika..

Kamusta nga pala kayo ni Joey? Sana Mika maging matalik kayong magkaibigan . Huwag kang lalayo Joey ah . Dahil sa lahat sa kanya lang ako may tiwala na alam kong hindi ka iiwan.

Sorry Mika kung hindi ko na to nasabi sayo ..Alam ko.namang hindi ka papayag. Huwag kang mag-alala dahil masaya ako sa desisyon kong to. Tsaka kahit na paulit ulit pa na mangyari to. Hinding hindi ako magdadalawang isip na ibigay ang puso ko sayo.. Ganun kita kamahal Mika ...

Magiingat ka Mika ah. Lagi mong tatandaan na nandito lang ako sa tabi mo . Sana maging masaya ka na kahit wala nako.

Pakaingatan mo ang puso natin Mika .....

Niko
Nagmamahal

Mas tumulo pa ang luha ko dahil sa sulat ni Niko..

Pero hindi ko sya bibiguin gaya ng sabi ni Niko . Iingatan ko yung puso namin ...

Siguro medyo matatagalan pang matanggap ko na wala na talaga siya . Pero ipagpapatuloy ko ang buhay ko dahil alam kong hindi ako pababayan ni Niko.. Dahil naniniwala ako sa sinabi nya na lagi lang siyang nasa tabi ko..

Tumayo na ko sa upuan at humarap sa puntod nya.

Paalam Niko .. huwag kang magalala iingatan ko ang puso natin . I love you Forever...

One Blind Heart (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon