I. Lakambini

15 1 0
                                    

Maraming nagtangkang bumasa
     sa manuskritong aking likha.
Bilang lamang sa kamay ang may hilig,
     samantalang ang iba'y di masigasig.
Kundi humangga ng prologo
     o mga iilang kabanata,
          saka sila'y susugpo.
Di na sila nag-atubiling kumubli
     sa mga pahinang nalalabi.
Sapagkat masyado akong mailap;
     ang metaporya ko'y di nila mahagilap.

'Ang saloobin ng isang binibini sa pagpili ng kan'yang lakan'

Skeletons In My ClosetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon