Mga katanungang di masagutan na dinadaig ang isipan
Pariwarang palaisipan, ni di mawari kung ano nga bang dahilan
Naguguluhang damdamin kaya'y naalintana ang kasalukuyan
Di batid ang mga paparating pang pagsubok na dadagdag sa sariling patimpalak ng kinabukasan
Isara man ang aklat ngunit ito'y kusang binubuksan
Naeengganyo sa mga pangyayaring nasaksihan
Sinisiyasat ang solusyon sa kadahilanang nag-aasam ng katiwasayan
Tila ba nagsusulat ng istorya na walang patutunguhan
Pakiramdam na paksa'y walang kabuluhan
Mga salita't katagang nawawalan na ng katarungan
Pahina'y patuloy paring binubuklat na nagwawakas sa kabanatang makabuluhan