yaya nang yaya eh wala namang pera
para makagala dapat maghanda
napag-usapan pa ngunit di natuloy
'sorry tol, na-short kasi'
pero isang araw inaya kita uli'
sa wakas! nagkita na rin
mahigpit na yakap at tilian
dala ng pananabik sa'ting muling tagpuan
ni di natin inalintana ang kapaligiran
na-miss kita ah! ang tagal na rin. kamusta ka na, aking kaibigan?
halakhakan, kulitan, at mga kalokohan
ang daming naganap kahit ito'y panandalian
biruin mo? di man lang natin pinagplanuhan
ngunit ang saya, di ko 'to inaasahan
biglaang lakad natin na di ko makakalimutan
isang alaala na naman, aking kaibigan.